by PIO Lucena/EJ Bagnes July 23, 2021 StaySafe.Ph LUCENA CITY - Upang mapabilis ang contact tracing sa kanilang lugar, kamakailan ay iniluns...
July 23, 2021
StaySafe.Ph |
LUCENA CITY - Upang mapabilis ang contact tracing sa kanilang lugar, kamakailan ay inilunsad ng Sangguniang Barangay Gulang-gulang sa pamumuno ni Kapitan Narfil ‘King’ Abrencillo ang mobile application na StaySafe.Ph sa kanilang Pamahalaang Pambarangay.
Sa naging pahayag ni Carmela Aycocho Secretary ng Barangay Gulang-gulang, ang mobile application na ito ay ginagamit na sa Barangay Hall na siyang magiging digital logbook system ng mga magtutungo sa pamamagitan ng QR Code na iiscan gamit ang staysafe.ph app.
Sa pamamagitan aniya nito ay malilimitahan ang paggamit ng maraming contact tracing form at documents na siya rin maaring pagmulan ng pag-kalat ng sakit na covid-19 ngunit kung wala namang mobile application ay maaari pa rin naman gumamit ng contact tracing form patungo sa nabanggit na lugar.
Kung paano gumamit ng staysafe.ph sundin ang mga sumsunod na steps upang magamit nang tama; idownload ang staysafe.ph application sa inyong mobile devices, magtungo sa goggle playstore kung ang iyong devices ay android at app store naman kung IOS o apple, upang magamit ito buksan ang app at simulan ang registration at mariing sundin ang mga sumusunod na proseso upang makuha ang unique QR Code.
May dalawang naman paraan sa paggamit ng app sa pagpasok sa nasabing establisyemento: una ay maari mong scan ang QR Code ng nasabing barangay at pangalawa ay maari rin naman iprint ang sariling QR Code mula sa staysafe.ph na siyang iiscan ng designated personnel ng naturang barangay.
Samantala, kaugnay parin ito ng pagpapalakas ng contact tracing sa nasabing barangay sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng mga contact tracers na pinangangasiwaan ng Department of the Interior and Local Government o DILG.
Patuloy naman ang panawagan ng Sangguniang Barangay Gulang-gulang na palagiang sumunod sa health at safety protocols upang sa pamamagitan ng malawakang contact tracing na ito ay tuluyang mapabilis ang pagbaba ng bilang ng aktibong kaso ng sakit na covid-19 sa kanilang lugar.
No comments