by PIO Lucena/EJ Bagnes July 2, 2021 Regravilling LUCENA CITY - Patuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni Mayor Roderi...
July 2, 2021
Regravilling |
LUCENA CITY - Patuloy ang pagtugon ng Pamahalaang Panlungsod sa pangunguna ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala para sa mga pangangailangan ng mga miyembro ng Urban Poor Affairs sa Lungsod ng Lucena.
Kaugnay ito ng isinasagawang Regravilling ng mga tauhan ng City Engineering Office sa pakikipagtulungan ng tanggapan ng Urban Poor Affairs Division sa pamumuno ng hepe nito na si Miled Ibias.
Ayon kay Ibias, isa sa nagiging problema ngayon ng mga miyembro ng urban poor ang mga lubak-lubak o hindi madaanang mga kalsada dahil sa putik o kung hindi naman ay lubog ito sa tubig.
Aniya, personal na nagtungo sa opisina ng alkalde ang mga miyembro ng nasabing samahan upang humingi ng tulong na magkaroon sila ng maayos na daan patungo sa kani-kanilang mga tahanan.
Dahil dito, agad naman tinupad ni Mayor Alcala ang kahilingan ng mga ito upang magkaroon ang mga Home Owners Association ng maayos kundi man kontreto ay dapat madadaan ito ng mga sasakyan.
Ibinahagi rin ni Ibias ang ilang mga barangay at lugar na kanilang nabigyan ng panambak ang Garcia at Tamisan HOA ng Barangay Talao-talao, Villa Apollonia ng Barangay Barra, Villa Fuerte Phase 2 & 3 gayundin Hawak Kamay PNR landing ng Barangay Ibabang Iyam, , Baybayin ng Ibabang Dupay, Purok. Jasmin ng DC Federation, Purok Tingloy, San Isidro HOA at Dulong Buhangin ng Barangay Dalahican.
Saad pa nito, mayroon na aniyang dalawang libong cubic meter na ang naibababa ng lokal na pamahalaan para sa mga ito at patuloy pa rin ang paghahatid ng nasabing programa upang matulungan ang mga HOA sa kabila ng kakulungan ng mga ito sa pondo.
Ibinahagi rin nito na tuloy-tuloy ang pagtulong ng alkalde para sa mga urban poor, katunayan aniya ay inaprobahan ni Alcala ang halagang P2,000,000 para sa mga infrastructure projects ng mga piling Home Owners Association ng Lungsod.
Ipinapaabot ni Ibias ang taos sa pusong pasasalamat sa tulong na ibinibigay ng City Engineering Office sa pamumuno ni Engr. Rhodencio Tolentino gayundin sa Maintenance Division sa pangunguna ni Engr. Jun Villaruel lalo’t higit sa suporta ni Mayor Dondon Alcala para sa pagpapaunlad ng mga Uban Poor Affairs sa Lucena.
No comments