by PIO Lucena/EJ Bagnes July 3, 2021 Lucena PNP at Sangguniang Barangay (Photo from Lucena PNP) LUCENA CITY - Isinagawa ng mga tauhan ng Tra...
July 3, 2021
Lucena PNP at Sangguniang Barangay (Photo from Lucena PNP) |
LUCENA CITY - Isinagawa ng mga tauhan ng Traffic Management and Enforcement Divison ng Lungsod ang Road Clearing Operation sa kahabaan ng Diversion Road ng Barangay Domoit kamakailan.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ni Jaime de Mesa hepe ng nabanggit na debisyon katuwang ang Lucena PNP at Sangguniang Barangay ng nabanggit na Lugar.
Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng malawak sa espasyo ang magkabilang bahagi ng daanan ng diversion road upang hindi ito makaabala at hindi magdulot ng pagbagal ng daloy ng mga sasakyang dumadaan dito.
Ilan sa isinagawa sa nasabing operasyon ang paglalagay ng tire lock clamp sa mga sasakyang nakahara sa daanan gayundin ay binigyan ng citation ticket ang mga may-ari na nagsagawa ng iligal na parking sa gilid ng kalsada sa nasabing lugar.
Pinaalalahanan rin naman ng mga ito ang mga casa at talyer na huwag sakupin ang sidewalk maging anila ang mga nagtitinda sa tabing kalsada ay hindi nakalusot kung saan ay isinata rin sa isinagawang operasyon.
Buong pwersa namang nakiisa sa nasabing aktibidad ang Punong Barangay Ruel Trinidad kasama ang ilang mga opisyales ng Barangay Domoit kung saan ay patuloy anila ang kanilang pakikipagtulungan para sa mga ipinapatupad mga patakaran sa trapiko at mga hakbangin ng nasabing tanggapan upang maging ligtas ang publiko.
Samantala, ang Clearing Operation na isinagawa ay bahagi pa rin ng kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng Memorandum Circular No.2020-145 na layong alisin ang mga maaring makasagabal at obstraksyon sa mga pambulikong kalsada.
No comments