Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

RPWUDS, sumailalim sa Employment Coaching na handong ng Public Employment Service Office

by PIO Lucena/K.Monfero July 31, 2021 Reformists  (Photo courtesy: PESO Lucena) LUCENA CITY - Kasabay ng pagtatapos ng mga reformists o mga ...

by PIO Lucena/K.Monfero
July 31, 2021



RPWUDS, sumailalim sa employment coaching na handong ng Public Employment Service Office
Reformists (Photo courtesy: PESO Lucena)



LUCENA CITY - Kasabay ng pagtatapos ng mga reformists o mga Recovering Persons Who Used Drugs sa programang Kanlungan ng Pagbabago o Balay Silangan kamakailan, sumailalim ang mga ito sa isang “Employment Coaching” na isinagawa ng tanggapan ng Public Employment Service Office sa pangunguna ni PESO head Ma. Cristina Encina.

Sa pamamagitan aniya ng pagbibigay suhestiyon ni Kuya Mark Alcala sa kanilang tanggapan, hiniling nito na maging katuwang ng City Anti-Drug Abuse Council o CADAC ang PESO upang mabigyan ng pagkakataon ang mga reformists na makapaghanapbuhay at magkaroong muli ng pag-asa.



Kaya naman sa nasabing pagtatapos ay inimbitahan ni CADAC head Francia Malabanan ang PESO para makapagbahagi ng kanilang kaalaman pagdating sa paghahanap ng trabaho.

Sa naging pananalita ni Encina, ibinahagi nito ang mga hakbang kung papaano maghanda sa pag-aapply ng trabaho tulad ng paggawa ng resume, mga preparasyon bago ang interview, mga possibleng katanungan at kasagutan dito, tamang posture, body language, kung papaano magmumukhang presentable sa isang interview at ang iba pang mga hakbang pagkatapos nito.



Ayon kay Encina, layunin ng nabanggit na tanggapan na palakasin ang moral ng mga RPWUDS dahil alam nila na kadalasan ay may pangamba ang mga ito na baka hindi sila tanggapin dahil sa kanilang nakaraan.

Ipinaliwanag din naman nito na ang Pamahalaang Panlungsod ay handang tumanggap o magrekomenda sa kanila dahil layon ng lokal na pamahalaan na magbigay hanapbuhay at pag-asa sa mga RPWUDs.



Matapos naman ang naturang Employment Coaching ay nagkaroon din ang mga ito ng Job Interview kung saan ay nabigyan ng trabaho ang mga ito nang naaayon sa kanilang skills.

Karamihan aniya sa mga reformists ay undergraduate ngunit maaari pa rin aniyang magkaroon ng marangal na trabaho ang mga ito tulad ng food production helper, bagger at iba pa.

Ang nabanggit na aktibidad ay isa lamang sa maraming programa na handog ng Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ni Mayor Roderick Dondon Alcala.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.