Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Search for “Natatanging Lucenahin 2021” nagsimula na

by PIO Lucena/K.Monfero July 10, 2021 NOMINATION FORM para sa NATATANGING LUCENAHIN 2021 LUCENA CITY - Simula nang muli ang paghahanap para ...

by PIO Lucena/K.Monfero
July 10, 2021


Search for “Natatanging Lucenahin 2021” nagsimula na
NOMINATION FORM para sa NATATANGING LUCENAHIN 2021



LUCENA CITY - Simula nang muli ang paghahanap para sa Natatanging Lucenahin kung saan ito ang mga indibidwal na nakapag-ambag ng kanilang talino, galing at kakayahan sa kanilang larangan.

Ilan aniya sa mga kategorya na maaaring kinabibilangan ng Natatanging Lucenahin 2021 ay sa larangan ng Government/Public Service, Community Service, Arts (maaaring performing arts o arts and letter), Sports, Education, Business Entrepreneurs, Trade and Industry, Agriculture, Science and Technology, Public Health, Religion at Professional.



Layunin aniya ng nasabing proyekto na makilala ang mga kontribusyon ng natatanging Lucenahin na mag-udyok at linangin ang kahalagahan ng community service na siyang mahalaga tungo sa paglago at pagiging progresibo ng isang highly urbanized city tulad ng Lucena.

Ito rin aniya ay upang makilala ang mga personal na nakamit ng Lucenahin at magsilbing inspirasyon at modelo para sa mga mamamayan ng lungsod.



Ayon kay Lucena Council for Culture and Arts head Dr. Luzviminda Calzado, bahagi rin ito ng 500th Quincentennial Anniversary kung saan may tema itong Victory and Humanity.

Magugunita rin na ang Search for Natatanging Lucenahin ay isa sa mga pinaka-inaabangang highlights sa pag-gunita ng Araw ng Lucena sa darating na buwan ng Agosto kung saan ito ang ika-animnapung anibersaryo ng Lucena bilang isang chartered city.



Itinuturing ito na pinakamataas na parangal na maaaring ibigay ng Pamahalaang Panlungsod para sa mga Lucenahin.

Para naman aniya sa mga karagdagang detalye maaaring magsadya sa opisina ng Lucena Council For Culture and Arts sa City hall Annex sa Barangay Isabang at hanapin si Ms. Virna Vilanueva.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.