by PIO Lucena/K.Monfero July 18, 2021 Mayor Roderick Dondon Alcala LUCENA CITY - Isinagawa kamakailan ang pagpirma ni Mayor Roderick Dondon ...
July 18, 2021
Mayor Roderick Dondon Alcala |
LUCENA CITY - Isinagawa kamakailan ang pagpirma ni Mayor Roderick Dondon Alcala para sa Contract-to-sell ng mga murang pabahay sa ilalim ng Resettlement Assistance Program for Local Government Units sa Donvictor Ville kamakailan.
Ginanap ang nasabing pagpirma ng alkalde sa Conference room ng Lucena City Government Complex.
Ito ay kung saan dumalo naman sa contract signing ang 28 representante ng bawat pamilya na siyang naging benepisyaryo ng mga nasabing murang pabahay.
Ang mga pamilyang nabanggit ay ang unang batch aniya sa pitumpumpu (70) na magiging benepisyaryo ng naturang programa ng National Housing Authority.
Sa naging panayam kay Urban Poor Affairs Division head Miled Ibias, ito aniya ang mga mamamayan na naapektuhan ng road widening sa may irrigation sa bahagi ng Barangay Mayao Silangan.
Dagdag pa ni Ibias, ito rin ay bilang pagtalima sa ibinabang atas ng National Irrigation Authority sa mga Local Government Unit na mailipat ang mga pamilyang naninirahan malapit sa irrigation.
Ibinahagi din nito na ang mga maaaring mapabilang sa mga benepisyaryo ng murang pabahay ay ang mga pamilyang nakatira sa dangerzone area pati na rin yung mga mamamayan na apektado sa mga demolition projects ng lokal na pamahalaan.
Nagsimula na rin aniyang magbayad ng buwanang hulog na nagkakahalagang 499 pesos ang mga benepisyaryo nitong nakaraang buwan ng Hunyo bilang unang buwan ng pagbabayad nito na tatagal hanggang dalawampung taon.
Dumalo rin naman sa nasabing aktibidad si City Administrator Anacleto Alcala Jr. bilang pagbibigay suporta.
Samantala, pormal namang tinanggap ng dalawampu’t walong mga bagong benepisyaryo ang sertipiko at kontrata ng murang pabahay.
No comments