by Quezon – PIO August 8, 2021 LUCENA CITY - Naipagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagugnayan sa Department of Social Welfare a...
August 8, 2021
LUCENA CITY - Naipagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan sa pakikipagugnayan sa Department of Social Welfare and Development o DSWD ang tulong pinansyal sa ilalim ng programang Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) at Emergency Shelter Assistance (ESA) payout nitong nakalipas na araw ng Biyernes, ika - 29 ng Hulyo.
Kung saan ay naganap ang programang ito sa mga bayan ng Dolores, Tiaong, Candelaria at Sariaya na personal na pinangunahan ng mga kumatawan sa Ama ng ating Lalawigan Governor Danilo E. Suarez na sina Kalipi Quezon President Atty. Joanna Suarez at Chief of Staff Jenny Suarez-Lopez.
Nakiisa rin sa gawaing ito sina Vice Governor Sam Nantes, 2nd District Board Member Yna Liwanag at Former Board Member Atty. Bong Talabong na ipinakita ang kanilang suporta sa aktibidad na ito sa inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan.
Habang pawang ipinaabot naman ng mga representante ng ating Gobernador ang kanyang mensahe para sa mga benepisyaryo at labis naman ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan ng mga nabanggit na lugar sa hatid ba tulong para sa mga recipient ng ayuda.
Sa ngayon ay patuloy ang pakikipagugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa iba't-ibang ahensya para masigurong maihahatid ang tulong at suportang tugon sa mga kailangan ng ating mga kalalawigan sa kabilang ng ating nararanasang pandemya sa COVID-19.
No comments