Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Ang Saysay Ng Buwan Ng Wika

by Henry Buzar August 7, 2021 Ang Agosto ay siyang buwan ng wika na kapag dumaratal ang buwang ito marami ang nagsasabi: “Hindi na muna sil...

by Henry Buzar
August 7, 2021


Ang Saysay Ng Buwan Ng Wika



Ang Agosto ay siyang buwan ng wika na kapag dumaratal ang buwang ito marami ang nagsasabi: “Hindi na muna sila magsasalita ng English, NEVER!” Isang “parody” ika nga ng pagmamahal ng mga Pinoy sa banyagang wikang English. Ang English ay tinatawag na “lingua franca” ng Pilipinas, pagkatapos na tuluyan na tayong layasan ng mga Dona Victorina at Don Victorino ng Pilipinas at matira na lamang ang mga Pininsulares at Insulares na kabilang ngayon sa mga Oligarko at namamalagay pa rin na sila ang mga hari sa bansa na kahit Presidente ay kaya nilang kontrolin.

Hanggang sa panahong ito ng bagong teknolohiya at sineng Pilipino, tuloy pa rin ang pagtatalo kung ano nga ba ang nagawang kontribusyon ng hiram na wika sa pag-unlad ng pinaka-iisa nating bansa. Nakasabagal ba sa pag-unlad ng edukasyon ang pag-gamit ng English kaysa sa sariling wika? Bumilis ba ang pag-unlad ng ating Ekonomiya dahilan sa lingua franca na ito? Yumabong ba ang agham at ibang institusyon pinagtuonan natin ng pansin upang makatulong sa pag-unlad ng bansa? Maraming katanungan na wala pang kasagutan hanggang ngayon, ano nga ba?



Ang mga batang Pinoy ay hinilaw sa pag-gamit ng English, marami sa mga bata ang mababa ang “comprehension” o pag-unawa sa isang pangungusap sa English dahilan upang bumagsak sila sa ibang mga asignatura kagaya ng Algebra, Mathematics at Science. Ganoon din naman na hindi sila matatas sa pag-gamit ng Pilipino. Kung bibigyan natin ng pagkakataon na magsalita ang isang estudyanteng Pinoy sa Tagalog upang magpaliwanag ng isang paksa, makikita natin ang hirap niya sa konstruksyon at paghahanay ng mga wika na aayon sa kanyang mga nasa isipan.

Marami pa rin sa atin ang may pag-iisip na pang-rehiyonal. Ayaw natin ng Tagalog porke’t Bisaya tayo o Bikolano. Sinasabi ng mga Cebuano na mas maraming populasyon ang nagsasalita ng Cebuano kaysa Tagalog. Naiinsulto tayo na kapag dayo ka sa Pampanga, Kapampangan ang usapan nila kahit alam nila na Tagalog ka. Ganon din naman sa Estados Unidos: kapag Pangasininse ka, kayo-kayo lamang ang magkakasama sa mga organisasyon katulad ng Association of Pangasenensi of California o ano pa mang estado sa Amerika. Hindi maki-pinoy kundi maki-rehiyon o maka-probinsya. Kapag hindi ka Bisaya hindi ka pasok sa asosasyon nila sa Tate ganon din naman sa mga Tagalog.



Ang salitang English ang siyang naging balakid sa pag-kakaisa ng mga Pinoy kahit pa nagsumikap si PNoy na gamitin ang wikang tagalog sa kanyang mga talumpati, ganon din naman si Pangulong Duterte na nagsusumikap din na magsalita ng Tagalog kahit magkabulol-bulol pa.

Ang English din ay ang salitang burgis ayon sa mga maka-kaliwa kaya naman sa UP, halos sa buong campus Pilipino ang ginagamit na lengguwahe. Ganon pa man, hindi pangkalahatan ang pag-gamit nito. Halimbawa sa isang pagdinig ng kaso sa Korte, ang isang hindi gaanong nasanay sa English ay hindi makauunawa kung ano na ang pinag-uusapan hinggil sa kaso nila - ibubulong na lang ng abogado na bibitayin na pala siya. Ang mga aklat sa batas ay isinulat sa English at madalang ang may salin sa Tagalog nito. Marami ring mga makakolonyal na Pinoy ang tumataas ang kilay kapag hindi ka matatas mag-Engslish, mababae man o malalaki.



Ang kunyong pamamaraan ng mga kolehiyala katulad ni Kris Aquino ay pagpapatunay na marami ang nais na tahakin ang daan ng “spokening dollar” upang mapahalo ka sa mga elitistang grupo ng mga kunyo ng sosyedad. Dito nahati ang pananaw ng mga Pinoy na kapag Englisera ka, kabilang ka sa mga mataas na antas ng sosyedad, ng edukado, ng mga nagtapos sa Ateneo, La Salle at iba pang Unibersidad. Kapag probinsyano ka, ang nakagisnan mong guro ay nagturo sa iyo na ang pagbasa ng isang English sentence ay: “D bull rull on the tibol,” sapagkat ang iyong guro ay maaring nagtapos sa isang Visayan o Bicolano school at ikaw ang siyang nagiging sentro ng biruan ng mga kaklase mo, hanggang mawalan ka ng ganang pumasok sa pagkapikon. Ang pagigi mong probinsyano at kulay kayumangging balat ay nakadagdag pang pabigat sa elitistang sosyedad na iyong ginagalawan na ang mga babaeng sinasamba ay may mga ibinabad sa sukang mga kulay.

Mahaba pa ang diskusyon, ngunit ipinakikita ng artikulong ito ang pagkahilaw ng mga Pinoy hindi lamang sa pag-gamit ng isang lengguwahe, at ang pagpapahalaga narin sa linggo o buwan ng wika, kundi pati na rin ang ating pagiging Pinoy sa isip, sa salita at sa gawa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.