Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Apat na nars sa MLEM general hospital sa Tagkawayan, ipinadala sa STRH sa Bacoor

by Cornelia P. Cepeda August 24, 2021 Tagkawayan Municipal Hall (Photo from Tagkwayan Teleradyo) BACOOR CITY - Apat (4) na nars sa Maria L. ...

by Cornelia P. Cepeda
August 24, 2021


Apat na nars sa MLEM general hospital sa Tagkawayan, ipinadala sa STRH sa Bacoor
Tagkawayan Municipal Hall (Photo from Tagkwayan Teleradyo)




BACOOR CITY - Apat (4) na nars sa Maria L. Eleazar Memorial General Hospital sa bayan ng Tagkawayan ang ang ipinadala ng Department of Health (DOH) sa Southern Tagalog Regioanl Hospital (STRH) sa Bacoor City sa lalawigan ng Cavite.

Ayon sa Tagkawayan Teleradyo FB Page, nagdesisyon ang DOH na humiram ng mga medical health workers (MHW) sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19 tulad ng Tagkawayan para matugunan ang pangangailangan sa karagdagang MHW sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.



Ang bayan ng Tagkawayan ang isa sa mga bayan sa rehiyon na may mababang bilang ng kaso ng COVID-19 dahil sa mahuhusay na MHW dito na walang sawang tumutugon sa kanilang tungkulin, ayon pa sa Tagkawayan Teleradyo FB Page.

Samantala, ayon sa COVID-19 Update ng Bacoor City as of August 17, may 134 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa lungsod, may 78 na gumaling na, habang isang lalaki na 67-taong gulang ang naitalang namatay mula sa Barangay Salinas 1.



Sa kabuuan, may 13,314 na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Bacoor kung saan nasa 1,920 ang aktibong kaso, may 10,975 ang naka-recover na at may 419 naman ang mga namatay dahil sa virus. (CPC, PIA-Quezon at ulat mula sa Tagkawayan Teleradyo FB Page/Bacoor LGU FB Page)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.