by PIO Lucena/Josa Cruzat August 18, 2021 DILG City Director Engr. Danilo Nobleza at ang mga kawani ng Barangay Hall ng Ilayang Talim. (Phot...
August 18, 2021
DILG City Director Engr. Danilo Nobleza at ang mga kawani ng Barangay Hall ng Ilayang Talim. (Photo from DILG Lucena City) |
LUCENA CITY - Binigyang pagkilala ng Department of the Interior and Local Government ng Lucena sa pangunguna ni DILG City Director Engr. Danilo Nobleza ang Barangay Hall ng Ilayang Talim bilang kauna-unahang tanggapang pambarangay sa lungsod na safety seal certified.
Ito ay matapos na magawaran ang naturang barangay ng safety seal certification kamakailan ng Inspection and Certification Team ng departamento sa pangangasiwa ni Nobleza kasama si PLt. Romelito Ramos bilang kinatawan ni Lucena PNP Chief PLt. Col. Romulo Albacea at si SFO3 Melecio Angcana Jr. bilang representante naman ni City Fire Chief CINSP Orlando Antonio.
Malugod naman na tinanggap ng Pamahalaang Pambarangay ng Ilayang Talim sa pangunguna ni Acting Brgy. Captain Antonio Mendoza ang sertipiko na siyang nagpapatunay na mariing ipinapatupad sa tanggapan ng pamahalaang pambarangay ang mga atas na safety health protocols ng pamahalaan kontra covid-19.
Kasabay naman ng pagtanggap ng safety seal certification ni Mendoza ay nangako rin ito na makaaasa ang lahat na patuloy na magiging kaisa ang barangay sa pagsasagawa at pagpapatupad ng naturang protocols sa kanilang lugar upang kahit papaano’y makatulong sa pagpapababa ng kaso ng sakit sa lungsod.
Hangad lamang aniya ng mga ito na maging ligtas sa virus at sa iba pang uri ng sakit ang mga mamamayan ng kanilang nasasakupan.
Ang Tanggapan ng Pamahalaang Pambarangay ng Ilayang Talim ang kauna-unahan sa lahat ng barangay hall sa lungsod na maging safety seal certified.
No comments