by PIO Lucena/Josa Cruzat August 7, 2021 Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela Jr. (Photo from his FB Page) LUCENA CITY - Tumanggap ang Lungsod n...
August 7, 2021
Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela Jr. (Photo from his FB Page) |
LUCENA CITY - Tumanggap ang Lungsod ng Lucena ng limampung unit ng tablets mula sa Department of Information and Communications Technology.
Ito ay matagumpay na naisakatuparan dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ni Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela Jr. sa naturang departamento hinggil pa rin sa mga programa ng DICT na maaaring madala nito sa lungsod.
Ang mga nabanggit na gadget ay malugod namang tinanggap ni Mayor Roderick Dondon Alcala, City Health Officer Dra. Jocelyn Chua, at City General Services Officer Alyssa Mijares sa naganap na pagbibigay kortesiya sa pamahalaang panlungsod kasama si Brizuela.
Gamit ang mga kaloob na tablets, mapapabilis ang pagpo-proseso ng datos ng lungsod hinggil sa vaccination efforts nito pamula sa masterlisting, registration, at inoculation ng mga babakunahan sa ilalim ng DVAS o DICT Vaccine Administration System.
Labis naman ang naging paghanga ng alkalde sa konsehal dahil sa walang sawa nitong pakikipag-ugnayan sa DICT na siyang naging daan upang magkaroon ng technical support sa vaccination rollout ang lungsod.
Ang pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Alcala at si Konsehal Brizuela ay taos puso naman ang ipinaabot na pasasalamat sa departamento lalo’t higit kay DICT Sec. Gregorio Gringo Honasan at kay Regional Director Reynaldo Sy dahil sa mga makabuluhang programa na isinusulong ng mga ito na tunay na napapanahon.
Samantala, magpapatuloy naman ang pakikipag-ugnayan ni Brizuela sa DICT upang siyang maging katuwang pa nito sa pagsulong at pagdadala ng mga programang tiyak na makapagbibigay kaunlaran sa lungsod.
No comments