by Go Rizal August 24, 2021 ANTIPOLO, Rizal - Bukod sa NCR, kabilang rin sa extended suspension ng power disconnection ang mga probinsiya ng...
August 24, 2021
ANTIPOLO, Rizal - Bukod sa NCR, kabilang rin sa extended suspension ng power disconnection ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Lucena sa Quezon, batay sa Meralco na epektibo mula Agsoto 21-31.
Nauna nang nailathala ang nasabing suspended power disconnection nitong Agsoto 6 hanggang 20 nang bahagyang sumailalim ang NCR Region at ang kalapit nitong rehiyon sa mas pinaigting na lockdown protools mula sa IATF.
Ang pansamantalang diskoneksyon na mararanasan ay hindi naman raw dapat ikabahala sapagkat gagawan ito ng paraan upang masolusyunan higit lalo sa mga lugar na nasa ilalim ng pinaigting na lockdown.
Samantala, mananatili namang maayos ang kuryente sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ protocol hangga't mayroong maayos na suplay ng kuryente, ayon sa kompanya.
“Meralco will continue vital operations, such as meter reading, bill delivery and service crews will continue to work around the clock to serve its customers,” ayon sa Meralco.
Naiintindihan rin umano ng kompanya ang hirap sa paghahanap ng mapapagkuhanan ng pambayad ng kuryente sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ at MECQ quarantine protocols, kung kaya’t mayroon silang tinatawag na payment leeway upang matulungan ang mga customers na magkaroon ng agreement upang mabayaran ang kanilang kuryente.
Bukod sa pandemiya, nakakaranas na rin ng bagyo o hindi kagandahang klima ang mga lugar na ito kaya’t ganoon na lamang ang kanilang pagpapaalala ng ibayong pag-iingat pagdating electric circuits o anumang appliances sa kanilang mga tahanan.
No comments