by Kathlen Hitosis August 8, 2021 Ang photo project ay naglalarawan sa Batang Probinsiyanong hindi para sa Gadget Bumabangon na makikilala ...
August 8, 2021
Ang photo project ay naglalarawan sa Batang Probinsiyanong hindi para sa Gadget Bumabangon na makikilala sa lalawigan ng Quezon. Ika-11 ng Hulyo nang makuha ang mga larawan sa tahanan ng pamilyang Hitosis. Ang Pangalan ng bata ay Kiem Hitosis. Ipinakikita sa litrato ang ilang gawain ng isang batang probinsiyano. Pagkagising sa umaga'y pagliligpit ng higaan ang inaatupag. Tutungo sa hapagkainan upang mag-almusal na kapag natapos ay magliligpit ng ilang pinagkainan at magpupunas ng lamesa. Makalipas ang ilang oras ay magtatabo para sa kaniyang panligo. Matapos maligo'y magsasagot ng kaniyang ''Module''. At sa huli'y may mahabang oras para sa paglalaro at sa kung anong nais pa niyang gawain.
Ang totoo po niyan ang ang kwento po ng photo proj. na aking nagawa po ay tungkol po talaga sa mga ginagawa po ng aking bunsong kapatid. Kami po kaseng magkakapatid mula bata pa lang po ay hindi na sa gadget sinanay ng aming magulang.
Naisip ko pong gawing subject kapatid ko dahil hindi po ako mahihirapan, madaling kuhaan po dahil narin po natural lang naman po yung ginagawa.
Ang ganda lang po maging topic kase po diba kahit naman po sa probinsiya ang mga bata po ngayon ay puro gadget po agad ang hanap or kahit hindi po hanap ay magulang ang kusang nagbibigay sa anak para malibang ang anak at doon dumepende sa pagtututo mag-aral.
Gusto ko parin po mapatunayan na may bata pa rin po na hindi lang po sa gadget nabubuhay, mabubuhay at dumedepende.
No comments