by Jayne Elarmo – Batangas Capitol PIO August 29, 2021 DSWD – CALABARZON Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo at PSWDO Chief Joy Mon...
August 29, 2021
DSWD – CALABARZON Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo at PSWDO Chief Joy Montalbo ang isinagawang pamamahagi ng LSG. |
BATANGAS CITY - Pinangunahan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) – CALABARZON Regional Director Marcelo Nicomedes Castillo at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Chief Joy Montalbo ang isinagawang pamamahagi ng Livelihood Settlement Grants (LSG) para sa mga dating rebelde noong ika-18 ng Agosto 2021 sa Kapitolyo sa Lungsod ng Batangas.
22 na mga nagbabagong-buhay na rebelde mula sa iba’t ibang munisipalidad sa Lalawigan ng Batangas ang tumanggap ng grant, na nagkakahalagang ₱ 20,000 bawat isa. Ang kabuuang ₱ 440,000 ay mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.
Sa tagubilin naman ni Gov. DoDo Mandanas, pinagkalooban din ng grocery food packs, na may kasamang face mask, face shield at vitamins, ang mga benepisyaryo mula sa programang Provincial Assistance Project Against COVID-19 (PAPAC).
Binigyan-diin ni Director Castillo na nais ng pamahalaan, sa pamamagitan ng kaunting puhunang pinagkaloob sa kanila, na makatulong sa mga pamilya ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan sapagkat ang kaunlaran ng pamilya aniya ay kaunlaran din ng bawat komunidad.
Ang nasabing programa ay bahagi ng mga pagsisikap ng pamahalaan upang wakasan ang pag-aalsa ng mga Komunista at upang matulungan ang mga dating rebelde na maibalik sa normal ang buhay at kabuhayan.
No comments