by PIO Batangas City August 29, 2021 Batangas City Police Station (Photo from PIO Batangas City) BATANGAS CITY - May 250 residente ng lungs...
August 29, 2021
Batangas City Police Station (Photo from PIO Batangas City) |
BATANGAS CITY - May 250 residente ng lungsod ang nakinabang sa isinagawang License to Own and Possess Firearm (LTOPF) caravan ng Batangas City Police Station (BCPS) noong August 26 at 27 sa Batangas National High School.
Layunin nito na mabigyan ng kaalwanan sa pagkuha ng permit at lisensya ng baril ang mga myembro ng kapulisan at ang mga sibilyan sa halip na pumunta pa sa Camp Crame sa Maynila o sa Camp Vicente Lim sa Canlubang.
Ayon kay PCpl Sor Karlo Umali ng Firearms Desk-PNCO, ang isang gun holder ay nararapat na may LTOPF at Fire Arms Registration Permit. Sa ilalim ng RA 10591, ginawang requisite ang LTOPF sa pag kuha ng lisensya ng baril.
Kailangang makakuha nito ang isang gun holder na may expired license, mag papa transfer ng gun ownership o yaong mga nagnanais bumili ng baril.
Ilan sa mga requirements sa pagkuha ng LTOPF ay ang neuro- psychiatric test, police clearance, NSO birth certificate, drug test at gun safety certificate.
Ang lisensya ay valid sa loob ng dalawang taon habang ang rehistro ng baril ay valid para sa apat na taon.
Sa kasalukuyan, may 232 baril ang pansamantalang nakahabilin sa BCPS habang inaayos ang permit ng mga ito.
Ilang taon nang nagsasagawa ang BCPS ng LTOPF caravan subalit itinigil noong nakaraang taon dahil sa pandemya.
Siniguro ng BCPS na naipatupad ang mga health and safety protocols kontra COVID-19 para sa kaligtasan ng mga aplikante.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Batangas City PNP sa suportang ibinigay ng pamahalang lungsod, Chinese Community at Smart upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.
No comments