Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mahigit 300 ecobricks ipinalit sa Eco Store ng Sangguniang Kabataan Federation

by PIO Lucena/K.Monfero August 18, 2021 Katuwang ni Kon. Nadera si Sk chairwoman Janella De Mesa. LUCENA CITY - Sa pagbisita ng Sangguniang ...

by PIO Lucena/K.Monfero
August 18, 2021


Mahigit 300 ecobricks ipinalit sa Eco Store ng Sangguniang Kabataan Federation
Katuwang ni Kon. Nadera si Sk chairwoman Janella De Mesa.



LUCENA CITY - Sa pagbisita ng Sangguniang Kabataan Federation ng Lucena sa pangunguna ni Sk Federation President Patrick Nadera para sa Eco Store “Basura Palit Grocery Project” sa Barangay Gulang-gulang kamakailan, muling nakapagbigay ang mga ito ng grocery items sa mga residente kapalit ng mga basura o plastic bottles na maaari pang mapakinabangan.

Katuwang ni Kon. Nadera si Sk chairwoman Janella De Mesa kung saan layunin ng proyekto na mabawasan ang mga used plastic at plastic bottles na nagdudulot ng dumi sa iba’t ibang mga lugar sa lungsod.



Sa pamamagitan aniya nito, napalitan ang mga basura ng noodles, de lata at bigas na mapapakinabangan ng mga mamamayan.

Ibinahagi ni Nadera na noong araw din aniya ng palitan ay nakapagpapalit ang isang ginang ng nasa mahigit 300 eco bricks sa kanilang konseho.



Kaya naman bilang kapalit ay tinumabasan nila ang mga dala-dalang Eco-bricks ng ginang ng mga bigas, delata at noodles.

Ayon sa samahan, ang bansang Pilipinas ay tinaguriang "Sachet economies" kung saan ang mga produkto ay nakapack sa mga plastic sachets.



Kaya naman lubos na ikinatuwa ng Sk Federation na makitang nakaipon ang Ginang ng ganun kadaming mga basura at bote.

Isang patunay lang aniya ito na may pakinabang at mapagkakakitaan sa basura.

Nagbigay pasasalamat ang Sk Federation sa Rotary Club of Lucena South sa pagbibigay ng mga naturang goods at sa walang sawang pagbibigay suporta sa kanilang mga proyekto.

Patuloy namang hinihikayat ni Nadera ang mga Lucenahin nag awing ecobricks ang mga plastic bottles at plastic sachets na kanilang makikita sa kanilang mga basura upang mapakinabangang muli.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.