by PIO Batangas City August 28, 2021 Mayor Beverley Dimacuha BATANGAS CITY - Ipinag-utos ni Mayor Beverley Dimacuha ang mas mahigpit na pagp...
August 28, 2021
Mayor Beverley Dimacuha |
BATANGAS CITY - Ipinag-utos ni Mayor Beverley Dimacuha ang mas mahigpit na pagpapatupad at monitoring ng mga health at safety protocols kontra COVID-19 sa mga business establishments, restaurants, karinderya, street food stalls at iba pang matataong lugar sa lungsod upang mapigilan ang tumataas na kaso ng COVID-19.
Ang nasabing kautusan ay idinerekta ni Mayor Dimacuha sa mga tauhan ng Batangas City PNP, CDRRMO, EBDMT Monitoring Team at Business Permit and Licensing Office (BPLO) sa isinagawang pagpupulong ng local IATF na kanyang pinangunahan ngayong araw, August 22.
Ito ay matapos maiulat sa nasabing meeting na may ilang restaurants at isawan na nagkakaroon ng pagkukumpol kumpol ng mga tao at iba pang paglabag sa safety protocols.
Ipinaalala naman ni City DILG Esther Dator na 20% lamang ng venue capacity ang pinapayagan para sa indoor dining habang may karagdagang 10% kung ito ay may safety seal at 50% ng venue capacity para sa mga al fresco o outdoor dining.
Sa pamamagitan nina Dator at ABC President Dondon Dimacuha, muling paaalalahanan ang mga barangay na ipinagbabawal pa rin ang mass gatherings tulad ng birthday party, inuman, lalo't higit ang tupada.
Iminungkahi sa pagpupulong na maging katuwang ng monitoring team ang mga naka work-from-home na empleyado ng city government sa monitoring ng health and safety protocols sa mga barangay.
Hinihikayat naman ni City Health Officer Dr. Rose Barrion na ipatupad din ang health protocols sa loob ng bahay dahil maraming kaso ng hawahan ay sa magkakapamilya.
Iniulat rin ni Barrion na nakapagtala ang lungsod ng 7,278 total COVID-19 cases kung saan may 375 active cases, as of August 21.
Sinabi rin niya na 43,289 ang fully vaccinated na mula sa iba't ibang priority groups sa lungsod.
No comments