by PIO Lucena/ EJ Bagnes August 29, 2021 Barangay Peacekeeping Action Teams o BPATs. ( Photo from SB Gulang-gulang) LUCENA CITY - Ipinamaha...
August 29, 2021
Barangay Peacekeeping Action Teams o BPATs. (Photo from SB Gulang-gulang) |
LUCENA CITY - Ipinamahagi kamakailan ng Sangguniang Barangay Gulang-gulang ang ilang mga kagamitan para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams o BPATs ng kanilang lugar.
Ilan sa ipinagkaloob ng nasabing konseho ang dalawang termos, hard hat, vest, flashlight, cup o tasa at isang set ng lamesa at upuan sa bawat isang kabilang sa nabanggit na samahan ng para sa dalawampung Purok.
Pinangunahan ang naturang pamamahagi ni Kapitan Narfil ‘King’ Abrencillo kasama ang hanay ng barangay kagawad at barangay staff ng kanilang barangay.
Ayon sa Barangay Secretary na si Carmela Aycocho, isa sa layunin ng programang ito na maging maginhawa ang oras ng pagduty ng mga BPATs, Purok Leaders at Sitio Leaders gayundin ay magkaroon sila ng maayos na pwesto habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Sa pamamagitan rin aniya ng mga kagamitan ito ay magsisilbi rin naman itong proteksyon mula sa mga hindi inaasahan pangyayari na kanilang maiingkwentro sa kanilang barangay.
Sa naging mensahe naman ni Kapitan Abrencillo, kaniyang ipinaabot na pagka-ingatan ang mga kagamitang ipinagkaloob sa nasabing samahan sapagkat laglaan ng pondo ang barangay upang maging komportable ang kanilang pagtupad sa tungkulin.
Aniya, patuloy lamang ang sangguniang barangay na magiging katuwang ng mga nagpapanatili ng kaayusan, katahimikan at kapayapaan sa buong nasasakupan ng Gulang-gulang.
Samantala, ang naturang distribusyon ay kabilang sa calamity preparedness ng nabanggit na barangay upang maging handa at alisto ang mga nabanggit na miyembro sa anuman usapin ng peace and order.
No comments