Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Naitala, pangatlong kaso ng Delta variant sa Silang, Cavite

by Ruel Francisco August 24, 2021 LUNGSOD NG TRECE MARTIRES, Cavite - Inihayag ni Silang Mayor Corrie Poblete sa pamamagitan ng kanyang FB ...

by Ruel Francisco
August 24, 2021



Naitala, pangatlong kaso ng Delta variant sa Silang, Cavite





LUNGSOD NG TRECE MARTIRES, Cavite - Inihayag ni Silang Mayor Corrie Poblete sa pamamagitan ng kanyang FB Page na naitala kahapon ang pangatlong kaso ng COVID-19 Delta variant sa kanilang bayan.

Ayon sa post ni Mayor Poblete, ang pasyente ay na-confine sa isang ospital sa Maynila noong buwan ng Hulyo. Napag-alaman ng lumabas ang resulta ng swabtest ay nagpositibo sa RTPCR Covid Test at verified ng genome test bilang Delta variant.



Nakauwi sa Silang ang nagpositibo noong ika-11 ng Agosto at kasalukuyang nasa isolation upang mag-quarantine habang tinatayang siyam (9) na close contacts nito ang nag-positibo rin at kasalukuyang naka-quarantine na.

"Agad ko pong ipinag-utos na magsasagawa ng vaccination drive ang ating mga rural health unit (RHU) nurses katuwang ang aking tanggapan sa Barangay Ulat sa lalong madaling panahon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng sakit sa nasabing lugar," ayon pa kay Poblete.



Kasabay nito, nagsagawa rin ng mass testing sa iba pang close contacts ng pasyente at sa may sintomas na nararamdaman.

"Patuloy ko pong pinapakausap na mag-ingat at huwag po tayong mag-panic dahil agaran po natin itong inaaksyunan. Panatilihin ang pagsusuot ng face shield, facemask at magkaroon social distancing upang hindi na kumalat ang sakit. Palagi ko pong paalala na manatili na lamang po tayo sa bahay kung hindi naman kinakailangan!" paalala ni Poblete sa mga residente.



"Keep safe and God Bless mga ka-Silangueños," (RBF, PIA Cavite at ulat mula sa Corie Poblete FB Page)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.