FC, PIA4A September 22, 2021 BIDA ANG MAY BAKUNA. Patuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna at iba ...
September 22, 2021
Mahigit 2.1 milyong Pilipino na sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) ang nakatanggap na ng kumpletong dose ng bakuna sa pagpapatuloy ng vaccination program ng pamahalaan.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH) Region 4A nitong Martes, Setyembre 14, aabot na sa 5,445,718 doses ng bakuna ang naiturok na sa mga indibidwal sa rehiyon na kabilang sa mga prayoridad na grupo.
Sa naturang bilang, nasa 2,194,617 o 19-porsiyento na ng target na populasyon sa rehiyon ang fully vaccinated o nakatanggap na ng kumpletong dose habang nasa 3,251,101 naman ang kabuuang bilang ng mga nabigyan na ng unang dose.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 11,452,775 na populasyon sa buong Calabarzon.
Ayon pa sa datos, kabilang sa mga fully vaccinated na ang 212,874 healthcare workers, 638,253, mga senior citizens, 663,591 na may mga comorbidities; 569,384 essential workers, at 110,515 indigents.
Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga nababakunahan sa rehiyon sa mga susunod na araw sa pagpapatuloy ng malawakang pagbabakuna na isinasagawa ng DOH katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Nasa 579 vaccination sites sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon ang aktibong nagsasagawa ng malawakang pagbabakuna.
No comments