by Henry Buzar September 22, 2021 (Nakalusot o tumagos na impeksyon) Ang “breaktrough infection” ay ginamit na termino sa mga nabakunahan n...
September 22, 2021
(Nakalusot o tumagos na impeksyon)
Ang “breaktrough infection” ay ginamit na termino sa mga nabakunahan ng mga tao laban sa Covid-19. Ang salitang “breakthrough” ay kahalintulad ng pag-atake ng isang grupo ng militar na tumagos dahilan sa pagkasira ng depensa ng kalabang grupo sa isang digmaan. Kagaya din ito kung saan ang bala ng isang baril ay tumagos sa isang “armor” o bakal na pananggalang ng isang tao.
Ang bakuna ay isang “armor” na nagpapalakas ng ating “immunity” upang maligtas tayo sa isang epidemya o pandemya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ang coronavirus na ito ay kakaiba, mas mabilis na nag-mumutate o nagpapalit ng anyo at mabilis dumami ang mga strains. Ang mas mahirap pa dito ay ang pagkakaroon nga nito ng breakthrough infection (BE).
Sa Israel kung saan halos 78 porsyento ng mga tao ay bakunado na ang siya namang may mataas na breakthrough infection. Sumusunod dito ang US at iba pang may mataas ding bakunadong populasyon na. Kalimitan na may mga BE ay edad 60 pataas, 87% (hospitalized cases) sa Israel at 45% sa US. Maari din naman na mas mabilis ang mga BE sapagkat mas nauna silang nabakunahan (Enero ng taong ito) at lumalabas na pagkatapos ng 6 na buwan bumababa ang antibodies sa katawan ng nabakunhan na kaya kinakailangan ng booster shot upang mapalawig pa ang “immunity” ng isang tao.
Anu-ano ang mga sintomas ng BE?
Ayon sa US CDC, ang mga sumusunod ay ang mga sintomas na merong BE ang isang tao (most common sysmptoms):
1.Fever or chills
2.Cough
3.Shortness of breath or difficulty breathing
4.Fatigue
5.Muscle or body aches
6.Headache
7.New loss of taste or smell
8.Sore throat
9.Congestion or runny nose
10.Nausea or vomiting
11.Diarrhea
Ang pangkaraniwang sintomas ng lahat ng ito ay pagkawala ng panglasa o pang-amoy. Kung nagpositibo ang isang tao dahilan sa BE, isa pa sa mga sintomas ay pagkakaroon ng “foggy brain “ o hindi makapag-idesisyon ng maayos ang isang tao. Ang pagigng depende kung gaano kataas ang immunity at exposure na nagdudulot ng viral shedding o viral load ng mga sintomas din naman na maaring lumabas sa isang tao. Halimbawa kung panandalian lang ang kontak mo sa isang positibo sa coronavirus, kokonting viral load lamang ang mapupunta sa iyo. Ngunit kung matagalan kang nakipag-kwentuhan sa isang positibo na akala naman niya na hindi naman siya infected mas madaming viral load mas madaming sintomas ang lalabas.
Mabuti na lang na sapagkat bakunado ka, hindi ka magra-grabehan o banayad na sintomas lang ang mararamdaman mo ngunit katulad ng hindi mga bakunado, matatawag ka pa ring isang ‘CARRIER” o taga-kalat ng virus habang naglalakad kang taas noo sa pagigi mong bakunado at umuli-uli katulad ng isang “SUPERMAN.” Kaya mas mabuti na doblehin pa natin ang pag-iingat at huwag na munang magpalabas-labas at kung lalabas man ay ipagpalagay natin na positibo tayo sa virus at palagiing mag-suot ng mask upang huwag tayong makahawa kung totoo man o hindi ito.
Kung makaramdam ka ng mga sintomas na kagaya ng mga nababanggit sa itaas, mas makabubuti na mag-isolate na lamang muna sa mga kwarto at palipasin ang masamang pakiramdam sa loob ng 14 na araw. Mas makabubuti na magpatest kung alinlangan at sumangguni sa isang dalubhasang doktor. Magsuot ng mask sa loob ng bahay upang masiguro na huwag mahawa ang mga kasambahay.
No comments