by PIO Lucena/ EJ Bagnes September 5, 2021 Unang pwesto at most outstanding LTIA 2021 ang Barangay Marketview. (Photo from PIO Lucena) LUC...
September 5, 2021
Unang pwesto at most outstanding LTIA 2021 ang Barangay Marketview. (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Binigyang pagkilala ng Lucena City Department of the Interior and Local Government (DILG) ng Lungsod ang ilang mga barangay sa Lucena sa isinagawang Awarding ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards 2021.
Ito ay matapos isagawa ang nabanggit na aktibidad sa pamamagitan ng isang virtual awarding kasabay ng katatapos lamang na 3rd Quarter 2021 Joint Meeting ng Lucena City Peace and Order Council, City Anti-Drug Abuse Council at City ELCAC Task Force.
Unang iginawad ang ilang mga special awards kung saan ay nakuha ang LTIA Early Bird Award ng Barangay 4 at Barangay Mayao Castillo na nagkamit rin ng pagkilala bilang ang Best LTIA Documentation Award at Most Innovative Lupong Tagapamaya.
Pinarangalan naman ng DILG Lucena ang lima sa tatlumpu’t tatlong barangay sa Lungsod na nagpakita ng husay at galing sa implementasyon ng Lupong Tagapamaya sa kanilang mga barangay.
Iginawad ang ikalimang pwesto sa Barangay Mayao Kanluran, ikaapat na pwesto sa Barangay Mayao Crossing, ikatlong pwesto sa Barangay 6, ikalawang pwesto sa Barangay Mayao Castillo at nagkamit naman ng unang pwesto at most outstanding LTIA 2021 ang Barangay Marketview.
Bukod pa sa nasabing pagkilala ang mga hinirang na Top 5 outstanding LTIA 2021 under the City Level Category ay makakatanggap ng certificate of recognition, plaque at cash prize.
Sa naging mensahe naman ng Lucena City DILG Director Engr. Danilo Nobleza, kaniyang ipinaabot ang pagbati sa lahat ng mga barangay na tumanggap ng nasabing pagkilala para sa kani-kanilang Lupong Tagapamaya.
Aniya na naniniwala ito na sa pamamagitan ng ganitong programa ay patuloy na pagsusumikapan ng mga barangay na pagbutihin at pagandahin ang mga serbisyo sa kanilang mga kabarangay lalo na sa paglutas sa mga usapin na nailalagay sa mga Lupong tagapamayapa.
Umaasa naman si Nobleza na dahilan sa ganitong pagkilala ay mapapasigla ng mga barangay ang kanilang lupong tagapamayapa tungo sa mas maayos, maganda at maunlad na komunidad.
No comments