by PIO Lucena/EJ Bagnes September 22, 2021 Ang naging Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Assembly sa Barangay Dalahican. LUCENA CIT...
September 22, 2021
Ang naging Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Assembly sa Barangay Dalahican. |
LUCENA CITY - Matagumpay ang naging Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Assembly sa Barangay Dalahican na may temang “One Region, One Vision, One KKDAT, One CALABARZON” kamakailan.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng mga tauhan ng Lucena City Police Station sa pangunguna ni PSSgt. Ana Paral sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Col Romulo ‘Bong’ Albacea kasama ang City Anti-Drug Abuse Council supervising head na si Francia Malabanan katuwang ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Roderick Masinas at ni SK Chairperson Rafael Echano.
Tinalakay sa naging asembliya ang ilang mga ang importansya ng pagkakaroon ng kamalayaan ng mga kabataan sa adbokasiya ng Philippine National Police kontra sa iligal na droga at pagsapi sa terorismo.
Bukod pa rito, nagsagawa rin ng lecture at awareness campaign ang mga tauhan ng Lucena PNP para sa iba’t-ibang usapin at batas na may kinalaman sa karapatang pantao.
Kasabay pa rin nito ang tagubihin ng nasabing estasyon na patuloy na sumunod sa ipinapatupad na health at safety protocols upang maiwasan rin ang patuloy pa rin na banta ng sakit na COVID-19.
Aabot naman sa may limampong mga kabataan ng Barangay Dalahican ang dumalo sa pangunguna ng KKDAT Officials at ng mga miyembro ng nasabing barangay.
Nakiisa rin naman rito sina City Councilor Americo ‘Amer’ Lacerna, SK Federation Lucena President Patrick Norman Nadera gayundin ang KKDAT Lucena President at ang KKDAT Regional President na si Rolden Garcia.
Lubos naman ang naging pagsasalamat ni Kapitan Masinas sa mga naging panauhin sa programang ito gayundin sa mga kabataang Dalahicanin na tumanggap ng hamon na maging katuwang ng mga kinauukulan sa nananatiling problema ng bansa.
No comments