Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

LDRRMO, patuloy na nagsasagawa ng disinfection sa iba’t ibang lugar sa lungsod

by PIO Lucena/K.Monfero September 22, 2021 LDRRMO habang nagsasagawa ng disinfection sa iba’t ibang lugar sa lungsod. LUCENA CITY - Patuloy ...

by PIO Lucena/K.Monfero
September 22, 2021


LDRRMO, patuloy na nagsasagawa ng disinfection sa iba’t ibang lugar sa lungsod
LDRRMO habang nagsasagawa ng disinfection sa iba’t ibang lugar sa lungsod.


LUCENA CITY - Patuloy na nagsasagawa ng disinfection sa iba’t ibang lugar sa lungsod ang Lucena Disaster Risk Reduction Management Office o LDRRMO.

Ang hakbanging ito ay ginagawa ng tanggapan ay bilang tugon aniya sa kahilingan o request ng mga nangangailangan nito.



Ayon kay Incident Management Head Janet Gendrano, halos araw-araw na tumatanggap ng disinfection service ang kanilang tanggapan maging sa mga government or private offices with confirmed cases at pati na rin sa mga residences with confirmed cases.

Tumatanggap rin ang mga ito ng request mula sa mga paaralan, at iba’t ibang establisyemento na nangangailangan ng disinfection.



Dito sumasailalim ang lugar sa tinatawag na fogging o pagpapausok disinfectant solution.

Ang fogging ay mahalaga lalo na sa mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga tao, magandang pamamaraan din aniya ito ng pagdidisinfect dahil kaya nitong maabot ang mga lugar at sulok na hindi kayang malinis gamit ang kamay at sa pamamagitan aniya ng disinfectant solution na ipinapausok ay maaaring mamatay ang virus at bacteria sa isang lugar.



Dagdag pa ni Gendrano, libre nilang ginagawa ang pagdidisinfect basta mayroong request sa kanilang tanggapan.

Bagama’t hindi pa rin tapos ang pakikipaglaban ng lungsod at maging ng buong mundo sa nakahahawang sakit na Coronavirus disease 2019 o Covid-19 ay hindi naman aniya pababayaan ng tanggapan katuwang ang lokal na pamahalaan sa pagpapaabot serbisyo na makatutulong sa mga mamamayang Lucenahin.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.