by PIO Lucena/K.Monfero September 27, 2021 LUCENA CITY - Bilang pagpapahalaga ni Mayor Roderick Dondon Alcala sa kalusugan ng mga Lucenahin,...
September 27, 2021
LUCENA CITY - Bilang pagpapahalaga ni Mayor Roderick Dondon Alcala sa kalusugan ng mga Lucenahin, nagkaloob ng libreng Anti-flu vaccine ang Pamahalaang Panlungsod sa iba’t ibang barangay ng Lucena kamakailan.
Sa pamamagitan naman aniya ng City Health Office ay pinangunahan ng mga ito ang aktibidad bilang mga vaccinators sa ilang libong mga residente ng Lungsod.
Naging organisado naman ang pagsasagawa ng mga nabanggit na pagbabakuna sa iba’t ibang barangay na kinabibilangan ng Barangay Cotta, Barangay Dalahican, Barangay Gulang-gulang, at Barangay Ibabang Iyam.
At dahil dito ay taos sa puso naman ang pagpapasalamat ng mga mamamayan na naging benepisyaryo ng libreng Anti-flu vaccine lalo’t higit kay Mayor Dondon Alcala sa pagkakaroon ng ganitong klase ng programa lalo na at isa ito sa maaaring panangga sa sakit.
Malaking tulong aniya ang isinagawang pagbabakuna sa iba’t ibang lugar sa lungsod dahil ang naturang vaccine ay magsisilbi rin aniyang proteksyon lalo na sa panahon ngayon kung saan kasalukuyan pa ring nakikipaglaban ang lungsod at maging ang buong mundo sa nakahahawang sakit na Coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa iba’t ibang bahagi ng lungsod dahil sa pagnanais ni Mayor Alcala na mabigyan ng paunang proteksyon at maging ligtas ang mga Lucenahin sa patuloy na kumakalat na sakit dahil sa pandemya.
No comments