Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga maninindahan sa pamilihang panlungsod, nabigyan ng libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines

by PIO Lucena/Josa Cruzat September 27, 2021 Pamilihang Panlungsod nagsakatuparan kamakailan ng pagtuturok ng libreng anti-flu at anti-pneum...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
September 27, 2021



Mga maninindahan sa pamilihang panlungsod, nabigyan ng libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines
Pamilihang Panlungsod nagsakatuparan kamakailan ng pagtuturok ng libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines.



LUCENA CITY - Bilang pagmamalasakit sa kalusugan ng mga maninindahang Lucenahin sa Pamilihang Panlungsod ay nagsakatuparan kamakailan ng pagtuturok ng libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines sa mga ito bilang bahagi ng programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick Dondon Alcala.

Ang isinagawang vaccination sa naturang lugar ay pinangasiwaan ng mga kawani ng City Health Office sa pangunguna ng Officer-In-Chagre ng tanggapan na si Dr. Jose Jaycee Tabernilla.



Dito ay may isanlibo at isandaang maninindahan ang nabiyayaang maturukan ng anti-flu vaccines habang umabot naman sa dalawandaang market vendors ang sumailalim sa anti-pneumonia vaccination.

Personal na binisita naman ni Executive Assistant at Youth Advocacy Ambassador Kuya Mark Alcala ang naturang bakunahan kung saan ay nagkaroon ito ng pagkakataon na makumusta ang daloy ng aktibidad.



Gayundin ay upang maipadama sa mga market vendors ang patuloy na pagbibigay suporta ng lokal na pamahalaan sa aspeto ng pangkalusugan sa pamamagitan ng naturang programa.

Aniya ang libreng anti-flu at anti-pneumonia vaccines na kaloob ng Pamahalaang Panlungsod ay magsisilbing paunang pananggala ng mga ito laban sa mapinsalang banta ng covid-19.



Kaugnay nito ay labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ng Public Market sa pangunguna ni Mall Market Administrator Noel Palomar kasama ng mga tauhan nito sa programang pangkalusugan na ito na tiyak na magbibigay dagdag proteksyon sa kaligtasan ng kalusugan ng mga market vendors.
Ito aniya ay nagpapakita lamang ng walang sawang pagmamalasakit ni Mayor Alcala katuwang si Kuya Mark sa pangkalahatang kapakanan ng Pamilihang Panlungsod lalo’t higit ng mga maninindahan sa lugar.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.