Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Rehabilitasyon ng Mural Painting ni dating Pangulong Manuel Quezon, naging matagumpay

by PIO Lucena/Josa Cruzat September 3, 2021 Mural Painting ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa Ilayang Dupay Elementary School. LUCENA C...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
September 3, 2021



Rehabilitasyon ng Mural Painting ni dating Pangulong Manuel Quezon, naging matagumpay
Mural Painting ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa Ilayang Dupay Elementary School.




LUCENA CITY - Naging matagumpay ang isinagawang rehabilitasyon ng Mural Painting ni dating Pangulong Manuel L. Quezon sa Ilayang Dupay Elementary School bilang bahagi ng pagdiriwang ng Quezon Day kamakailan.

Ang matagumpay na rehabilitasyon ng naturang obra ay naisakatuparan sa pamamagitan ni G. Macario Roco Jr., isang tanyag na alagad ng sining mula sa lalawigan ng Quezon.



Sa naging panayam ng TV12 Balita kay Roco ay sinaad nito maituturing aniya nitong ambag para sa larangan ng sining sa Quezon ang pinangunahang rehabilitasyon ng nasabing mural painting.

Sa pamamagitan ng artistic movement na surrealism at ng makukulay na pinta, binuhay muli ni Roco ang obra na siyang nagpapakita ng naging buhay ni Manuel L. Quezon kaya naman aniya matatawag niyang ‘Talambuhay’ ang naturang sining.



Ibinahagi rin naman ng pintor ang naging pasasalamat nito sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Lucena sa pangunguna ni Mayor Roderick Dondon Alcala at ni City Tourism Officer Arween Flores kasama ang pamunuan ng Ilayang Dupay Elementary School sa pangunguna naman ng Principal nito na si Ms. Leilani Tan dahil sa pagkakataon na ibinigay sa kanya na makapagbahagi ng talento nito sa sining.

Aniya, naniniwala ito na malaki ang maiaambag ng ganitong uri ng sining sa kultura ng lalawigan at ng lungsod bilang ipinapakita sa naturang painting ang kasaysayan ng talambuhay ni Quezon.



Naging oportunidad din ito para sa kanya upang mahimok ang mga kabataang Quezonian at Lucenahin sa kahalagahan at kagandahan ng sining kaya naman hangad din nito na sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlungsod ay magkaroon ito ng workshop para sa mga kabataang Lucenahing nagnanais na pasukin ang larangan ng pagpinta.

Samantala, nais naman ng pamunuan ng paaralan na mapreserve at mapangalagaan ang mural painting na siyang magsisilbi ring atraksyon sa kanilang paaralan at sa buong lungsod kasama ng hangarin nito na maipalaganap ang talambuhay ni Quezon.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.