by PIO Lucena/Josa Cruzat September 5, 2021 Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela Jr. LUCEN A CITY - Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ang Re...
September 5, 2021
Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela Jr. |
LUCEN A CITY - Aprubado na ng Sangguniang Panlungsod ang Resolusyon na nagpagpapahintulot kay Mayor Roderick Dondon Alcala na pumasok sa Memorandum of Agreement kasama ang pribado at pampublikong health facilities sa lungsod hinggil sa disbursement ng second tranche ng Special Risk Allowance o SRA para sa mga eligible healthworkers o frontliners sa lungsod.
Ito ay matapos na ihain ni Konsehal Benito ‘Baste’ Brizuela Jr. na siyang Chairman ng Committee on Health and Sanitation ang nasabing resolusyon na siyang inisyatibo ni Mayor Alcala sa isinagawang virtual session ng Sangguniang Panlungsod nitong Lunes.
Base sa resolusyon, magiging daan ang Pamahalaang Panlungsod sa pamamagitan ng alkalde upang maikaloob sa mga pribadong hospital ang SRA ng mga healthworkers nito na pasok sa kaukulang guidelines mula sa Nasyunal na Pamahalaan habang pangungunahan ng lokal na pamahalaan ang para sa frontliners ng pampublikong health facilities.
Sa paglilinaw ni Brizuela sa naganap na diskusyon, makatatanggap ng naturang SRA ang mga eligible public at private frontline healthworkers na siyang nangunguna sa pag-responde laban sa covid-19 partikular na ang mga direktang nagbibigay serbisyo sa mga pasyenteng natamaan ng naturang virus.
Samantala, ang mga frontliners naman na hindi nakatanggap sa unang tranche ng SRA na pasok ngayon sa naturang guidelines ay makaaasa naman sa buffer fund ng ibinabang budget ng nasyunal na pamahalaan para sa SRA.
Sa pagtatapos ng sesyon ay nagbigay pasasalamat naman si Brizuela sa mga kapwa konsehal nito na nagbigay suporta para sa inihaing resolusyon para sa mga maituturing na kasalukuyang bayani na siyang mga humaharap sa nakamamatay na sakit na covid-19.
Magpapatuloy naman ang pakikiisa ng Sangguniang Panlungsod sa paglaban ng lungsod sa pandemya.
No comments