by PIO Lucena/K.Monfero September 9, 2021 > Local Inter-Agency Task Force (IATF) muling ipinagpatuloy ng City Social Welfare And Developm...
September 9, 2021
>
Local Inter-Agency Task Force (IATF) muling ipinagpatuloy ng City Social Welfare And Development Office (CSWDO) ang pagsasagawa ng round-up operations sa lungsod. (Photo from CSWDO Lucena) |
LUCENA CITY - Sa tulong ng Local Inter-Agency Task Force (IATF) muling ipinagpatuloy ng City Social Welfare And Development Office (CSWDO) ang pagsasagawa ng round-up operations sa lungsod.
Ito ay sa atas na rin ni Mayor Roderick Dondon Alcala na siyang nangunguna upang patuloy na malabanan ng lungsod ang pagdami ng kaso at tuluyan nang mapuksa ang coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Layunin ng nasabing tanggapan na hulihin ang mga patuloy na lumalabag sa minimum health and safety protocols ngayong nakapasailalim pa rin ang lungsod ng Lucena sa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.
Pinangunahan naman ni City Social Welfare and Development Office Social Worker Ms. Nora L. Palacio sa tulong ni Ms. Jora May Alcantara, ang admin staff ng nasabing opisina, ang profiling, counseling, at turn-over ng mga menor-de-edad, senior citizen, at indigenous people na nahuli sa City Proper ng Lucena.
Samantala, ang mga nadakip sa nasabing operasyon ay agad namang na-i-turn over sa kanilang mga magulang at kani-kanilang mga barangay matapos ang isinagawang counseling sa mga ito.
Nangako naman ang nasabing tanggapan na mananatili aniya ang pagsuporta at pagtulong ng CSWDO sa lahat ng mga hakbangin ng Pamahalaang Panlungsod, lalo’t higit sa paglaban sa sakit na Covid-19 upang maiwasan ang paglaganap ng nakahahawang sakit at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayang Lucenahin.
No comments