Ni Dong A. de los Reyes September 15, 2021 Antonio "Anton Jun" A. Punzalan LUNGSOD NG LUCENA - Dalawang dekada matapos paslangin a...
September 15, 2021
Antonio "Anton Jun" A. Punzalan |
LUNGSOD NG LUCENA - Dalawang dekada matapos paslangin ang kanyang butihing ama ng, ayon sa mga saksi, anim na mga mukhang batang salarin, ni hindi sumagi sa isip ng anak ng yumaong Rep. Marcial Punzalan ang paghihiganti, at iginiit pa na ang damdaming mapaghiganti at diwang lubusan nang nakapinid ang nagsadlak sa bansa sa halip na matupad ang mithiin na umunlad at humulagpos sa sakal ng mga mapambusabos.
Taimtim na tumatanaw sa hindi natupad na 11 mahalagang proyekto ng nakalipas si Antonio "Anton Jun" A. Punzalan na naglunsad sana ng tunay na pagsulong sa Pilipinas at nagpa-angat sa bansa upang mapabilang sa mga tinatawag na tigreng ekonomiya ng Asia.
"Kailan ba tayo nagsimula ng 20-80 paghahalo ng bioethanol at gasolina upang maibaba ang presyo ng mga produktong petrolyo. Ang Biofuels Act of 2006 o R.A. 9367 ang nagtatakda sa paggamit ng biofuels, nagtitindig ng isang biofuel program, naglalaan ng pondo para isagawa ito, at umiral na batas matapos ang 15 araw sapul ilathala ito sa kahit sa dalawang peryodiko. Pero tahasang napasimulan ito noon pang 1979, pero hindi sinuportahan, at natulog nang isang dekada bago ginising upang mapairal.
"Itinatag ang Philippine Alcohol Commission noong 1979 upang ipatupad ang pambansang programa sa produksiyon ng 20 porsiyentong alkohol at 80% to carry out a nataionwide program for producing a mixture of 20 percent alcohol and 80% gasolina para sa mga sasakyan. Mula sa tubo ang hilaw na sangkap. Ang energy minister Geronimo Velasco noon ang bumalangkas ng plano sa pagpapatayo ng mga planta ng alcogas at mga filling stations sa mga pangunahing lungsod ng bansa-- nabago sana ang takbo ng ating kabuhayan at kasaysayan," paliwanag ni Punzalan.
Inamin ni Punzalan na pinag-aralan niya ang 11 major industrial projects na inilatag nitong dekada '70, "napakaganda po sana kung itinuloy ng sumunod na administrasyon, kaso inuna ang personal na damdamin, sinarado ang utak, sarili lang ang inisip."
Nais niya na muling buhayin ang mga proyektong iyon, "katulad na lang ng petrochemical complex na hahango ng iba't ibang produkto mula krudo, coal, o natural gas o kahit mula sa mais, palm fruit at tubo. Makakagawa tayo sa halip na umangkat pa ng finished fuels na gaya ng methane, ethane, propane and butane. Dahil gobyerno ang magmamay-ari sa halip na hawakan ng mga pribadong korporasyon, mas maalwan ang buhay natin-- wala nang hokus-pokus at basta-bastang taas-presyo ng gas at krudo na parang parusa sa taumbayan ng oil multinationals na itataas ang presyo kahit murang halaga lang binili ang bentang produkto mula sa pandaigdigang pamilihan-- puro panloloko ang ginagawa sa atin, magro-rollback ng bente sentimos 'tapos, magtataas sila ng piso."
Mapapansin na ang mining sector ay nag-aambag lang ng katiting-- mula 0.6% hanggang 0.89% sa gross domestic product (GDP) ng bansa, kaya nanlulumo ang batang Punzalan na ang mga kompanya ng minahan ay nagbebenta ng mineral ores sa karampot na halaga sa ibang bansa na ibabalik dito at ipagbibili sa Filipino sa napakataas na presyo: "Napakadami po nating mina lalong lalo na sa Surigao, nasaan na po ang ating nickel? Ang pinakamasakit po ay kontrolado lang ng iilang makapangyarihang tao ang mina ng nickel; computer age na po ngayon at bawat cellphone,laptop,television ano mang electronic products isama na rin po natin ang sasakyan buong mundo kailangan ng nickel.
"Ang ating mga mambabatas ay nagbubulag-bulagan, nagbibingi-bingihan. Ilang billion ang kinikita ng mining sa isang taon? Kayo pong mga nasa mining busog na busog na kayo. 'Yung pera na kinita niyo diyan ay mahirap nang ubusin kahit ilang henerasyon pa ng inyong pamilya.
"Ipamahingi n'yo naman sa taong bayan simula sa lolo n'yo hangang sa mga apo na ang humawak ng minahan; ilang henerasyon 'yun mabusog naman kayo. Issue lang po ito walang personalan; pero sana kayong mga mambabatas gawin n'yo na ang trabaho n'yo para naman 'yung mga susunod na henerasyon matikman man lang ang sarap ng Pilipinas."
Ano ang kasalanan niya?
Iniulat nitong 2001 na anim na armadong kalalakihan ang nagpaulan ng punglo sa ama na si Marcial C. Punzalan Jr. at sa kanyang dalawang bodyguards, habang pababa siya ng entablado sa political rally. Isa sa mga salarin ang nakipagkamay pa sa kanya bago siya binaril.
Ilang oras matapos ang pamamaslang, ipinahayag ng mga gerilyang New People's Army (NPA) sa Melito Glor Command na kumikilos sa lalawigang Quezon na sila ang pumatay sa matandang Punzalan. Lihis pala sa katotohanan.
Nasaktan noon pa ang matandang Punzalan sa mga paratang at bintang sa kanya na wala namang katibayan, matagal din siyang nag-hunger strike upang tutulan ang mga bintang sa kanya... lumutang ang talagang sanhi ng pamamaslang, hidwaan sa pulitika na nagkanlong sa mga nagpakana, sa mga tunay na salarin. Iniligpit siya dahil napamahal na siya sa taumbayan na nakatagpo ng matatag na haligi, at mapagkakatiwalaang kaibigan sa kanya.
Sa ngayon ang mga paratang at bintang sa matandang Punzalan ay napatunayan na gawa-gawa lang ng mga maruming pulitiko na kumitil sa kanya-- pati na rin sa mga adhikain na kanyang itinaguyod, ipinaglaban upang iangat ang kanyang mga kanyang mga kababayan sa Quezon.
Sa katunayan, ang Kaliwang partidong Akbayan ay mariing binatikos ang pagpaslang kay Punzalan. Si Rep. Loretta Ann Rosales ng Akbayan ay nagpahayad na isang masigasig at masipag na kinatawan si Punzalan.
Hindi nagtanim ng matinding sama ng loob ang batang Punzalan, bagkus, minabuti na sumunod na lang sa ipinakitang ulirang halimbawa ng kanyang ama sa paglilingkod sa kapakanan ng taumbayan.
Hindi nagtanim ng matinding sama ng loob ang batang Punzalan, bagkus, minabuti na sumunod na lang sa ipinakitang ulirang halimbawa ng kanyang ama sa paglilingkod sa kapakanan ng taumbayan.
MISYON:PAGLILINGKOD
Sa pag-ungkat sa paksa na katulad kung paano tahasang kinuha ng New Zealand ang gooseberries mula sa isang bansa sa Asia, inareglo ang binhi, at nakapagpatubo ng isang bunga na tinatangkilik sa buong daigdig (ang kiwi fruit), binigyang diin ni Punzalan ang pangangailangan sa mahusay na pangangalaga at proteksiyon sa mga pananim ng bansa-- na pinag-iinteresan ng mga mangungulimbat.
"Ang ating punong niyog, nakapunta na sa buwan ang mga Amerikano at nakabalik. At ngayon ay nagbabalak na sila ay makapunta sa Mars ngunit ang uri ng niyog ng ating pinakamamahal na lungsod ay kasingluma pa ng Apollo 11. Nauna na magpahayag ang Malaysia na sa kanila ang Coco Aroma, ipinipilit na sa kanila galing ito.
"Pero hindi po sa kanila galing iyon. Meron tayong katibayan na ito po ay meron na sa University of the Philippines agiculture department noong panahon pa ng Pangulong Marcos, siya po ang nagpagawa ng pag-aaral nito. Doon sa U.P. n'yo matatagpuan ang limang mother plants ng Coco Aroma."
“Isa rin sa sa ating tutukan kapag tayo ay pinalad lalong lalo na yung ating masisipag at makisig na magbubukid. Protection at benepisyo para sa bawat isa. Regulate po natin ang mga presyo ng mga tanim pati ang bigas. At bigyan ng pansin ang buwis.
Pero sumalakay ang mga mandarambong: "Nakakapagtaka lang po pagkatapos ng Marcos administration, nawala po ang isa sa mga mother plants. Ano po ba ang Coco Aroma? Ito po ang niyog o buko na kapag binuksan, mabango ang amoy, parang buko pandan. Tissue cultured po, ginawa sa laboratoryo. Hindi lang po yan meron na rin po tayong 100% makapuno! Tama po 100% ibig sabihin lahat ng bunga ng niyog ay makapuno.
"Ang pinakamasakit po nito umaangkat pa tayo sa Malaysia ng coco aroma samantalang kayang kaya gawin dito sa atin.Ewan ko ba sa ating mga mambabatas puro bar topnotcher, economics professor, matitinding negosyante,cum laude pero bakit hindi hindi man lamang maisip na supportahan ang sariling atin. Kakalampagin natin ang konseho para bigyan ng tunay na suporta ang University of the Philippines at iba pang state universities at mga lokal na institusyon na nagbibigay-aral sa mga ganitong bagay.
"Pati na rin sana Philippine General Hospital na number one dalahan ng may sakit na walang pangbayad. Kung titingnan ninyo ang ating pinakagamit na ospital ito po ay talagang kaawa-awa. Hindi lang po ito kulang sa mga tauhan ito po ay nahuhuli na rin pagdating sa kagamitan," ani Punzalan.
Asam na maihalal bilang isa sa mga kinatawan sa Kamara sa halalang 2022, nagtataguyod ang batang Punzalan ng masinop na pagpapatuloy at pagsusulong ng mga proyektong tinustusan ng buwis mula sa taumbayan:"Mahalin natin ang mga proyektong nagawa na at gagawin pa lang at naipasa na. 'Wag po sana natin harangin at sayangin ang projects na ginawa para sa tao. 'Wag naman natin sana sayangin ang pera ng taong bayan. Maayos na kalsada bubutasin. Yung may lubak tatambakan, mag-aaspalto kapag masama ang panahon. Ilang dekada na po ang ganyang sistema panahon na po baguhin ito. Baguhin na natin ang lumang sistema at alam naman natin na ito ay napapanahon na, para 'wag na matularan ng susunod na henerasyon. Gagawan po natin ng batas 'yan upang hindi masayang ang pera ng taong bayan."
Nahalal mang bokal ng Quezon, ang mga proyektong naisagawa niya ay pawang
job fairs at medical missions dahil kabilang siya sa minorya sa panlalawigang konseho-- "lahat po ng aking proyekto ay ibinasura at hindi na binigyan ng pagkakataon na makita ng aking kababayan ang aking tunay na hangarin para sa ating mahal na Quezon."
Nakatanaw pa rin sa maayang kinabukasan si Anton Jun Punzalan, nangangahas ipaglaban ang karapatan at kapakanan ng mkaraniwang tao-- hindi lang para sa kanyang mga kababayan sa Quezon kundi sa buong sambayanang Filipino. "Trabaho, karapatan, proteksiyon at benepisyo ng bawat mamamayan ang ating tutukan. Boses ng kabataan at mahihirap ang ating bibigyang halaga. Ipagpatuloy po natin ang MISYON:PAGLILINGKOD sa legistative na sinimulan ng aking ama noong 1992! Upang maibalik natin ang karangalan at kaginhawaan sa ating distrito"
"Yan ay isa sa napakaraming paraan o solution na naisip ko talakayin at gawin upang mabigyan ng kaginhawaan ang bawat filipino."
"Hindi po ako nangagako mapapayaman ang bawat mamayanan ngunit tayo po ay aako na mabibigyan ng laban at kaginhawaan ang ating bayan bayan."
Agrikultura, which will prioritize the needs of the agricultural sector: - Examples: Ayuda para sa mga magsasaka at mangingisda, subsidies for farmers and fisherfolk - Examples: Higher daily rates for farmers, tax exemption on basic needs. Progresso - Employment and Investment (Industrial park/zone) - Youth education and skills development - Support for small and medium enterprises - Innovate practices in agriculture - New age farming
No comments