by Patricia Bermudez, PIA4A October 24, 2021 PADRE BURGOS, Quezon — Pinahihintulutan na ng lokal na pamahalaan ang muling pagtanggap ng mga...
October 24, 2021
PADRE BURGOS, Quezon — Pinahihintulutan na ng lokal na pamahalaan ang muling pagtanggap ng mga turista mula sa mga karatig-bayan nito sa lalawigan ng Quezon simula sa Sabado, Oktubre 23.
Ayon kay Municipal Tourism Operations Officer, Renato Villones Jr., bagamat binuksan ang kanilang bayan para turismo ay patuloy ang pagsasagawa nila ng contact tracing upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dala ng Covid-19.
Maaari namang ipakita ng mga bisitang fully vaccinated na ang kanilang vaccination cards bilang katibayan, habang antigen rapid test na may negatibong resulta naman ang dapat dalhin ng mga turistang hindi pa nababakunahan o hindi pa nakaka kumpletong bakuna kontra Covid-19.
Kaugnay nito, pinahihintulutan na rin makalabas ang mga batang may edad 18 anyos pababa ngunit kinakailangan na ang kanilang mga kasama sa pamilya o grupo ay lahat ay bakunado na. — PB, PIA4A (may ulat mula sa Padre Burgos LGU)
No comments