by PIO Lucena/Josa Cruzat October 13, 2021 City Engineering Office sa pakikipag-koordinasyon ng Pamahalaang Pambarangay sa ilalim ng pangang...
October 13, 2021
LUCENA CITY - Agad na inaksyunan ng City Engineering Office ang idinulog sa mga itong bumagsak na puno sa kabahayan sa bahagi ng Purok Central sa Barangay Ibabang Dupay kamakailan.
Sa pakikipag-koordinasyon ng Pamahalaang Pambarangay sa ilalim ng pangangasiwa ni Kapitan Jacinto ‘Boy’ Jaca at ni Sangguniang Kabataan Chairperson Rolden Garcia ay agad na tinungo ng mga tauhan ng Maintenance Division ng naturang tanggapan sa pangunguna ni Engr. Jun Villaruel at ng mga tauhan nito ang lugar na pinangyarihan ng insidente.
Sa naging pagbahagi ni Garcia sa pangyayari, aabot sa humigit kumulang na tatlong kabahayan sa nabanggit na lugar ang naapektuhan ng pagbagsak ng puno na siyang dumirekta sa bahagi ng bubong ng mga kabahayan.
Pangamba ng mga residente na ito nab aka tuluyang malaglag ang puno sa kanilang bahay kapag nagkataong umulan ng malakas kaya naman agad na dumulog ang mga ito sa barangay.
Kaugnay nito ay naging mabilis ang pag-aksyon ng barangay at ng City Engineering Office at ayon pa kay Garcia ay bahagi ito ng kanilang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod gayundin sa kagustuhan na hindi pa maging sanhi ng anumang aksidente ang naturang insidente.
At dahil sa matagumpay na pagtanggal ng naturang bumagsak na puno ay labis na pasasalamat ang ipinaabot ng naapektuhang mga residente sa buong tanggapan ng City Engineering gayundin sa mga opisyales ng barangay.
Ang patuloy na pakikipag-ugnayan na ito ng Pamahalaang Pambarangay ng Ibabang Dupay sa City Engineering Office at sa Maintenance Division nito hinggil sa mga idinudulog na pagsasaayos sa kanilang lugar ay bilang pagbibigay malasakit para sa ikasasaayos ng kalagayan ng mga Dupayin.
No comments