by PIO Lucena/Josa Cruzat October 13, 2021 LUCENA CITY - Nakatanggap ang nasa labindalawang magniniyog ng Barangay Ibabang Talim ng labindal...
October 13, 2021
LUCENA CITY - Nakatanggap ang nasa labindalawang magniniyog ng Barangay Ibabang Talim ng labindalawang alagang kambing; labing isa rito ay dose at isa naman ay buck, na nagmula sa Philippine Coconut Authority Quezon 1.
Ang naturang mga coconut farmers ay napagkalooban nito matapos na sila ay sumailalim sa isang pagsasanay hinggil sa wasto at tamang pag-aalaga ng kambing o iyong tinatawag na Goat Farming.
Ipinagkaloob ng nasabing ahensya ang alagang hayop sa mga benepisyaro bilang bahagi ng Animal Integration Project nito sa ilalim ng PCA Covid-19 Response Project.
Ang kaloob na alagang hayop ay magsisilbing dagdag pagkakakitaan ng mga magniniyog na Lucenahin sa gitna ng patuloy parin na pakikipaglaban ng bansa maging ng lungsod sa pandaigdigang krisis pangkalusugan kung saan ay hirap ang karamihan sa paghahanapbuhay.
Dahil dito ay taos sa pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga magniniyog kay PCA Agriculturist Joselito Alcantara at sa buong ahensya dahil sa pagdadala nito ng makabuluhang proyekto gayundin sa handog ng mga itong kambing.
Kanila namang ipinangako na gagamitin ang mga natutunan sa pagsasanay upang mapangalagaan ang nasabing alagang hayop upang kanilang mapayabong ang naturang pangkabuhayan.
Saad pa ng mga ito na kanilang bibigyang importansya ang mga kaalaman patungkol sa paghahayupan ng sa gayon sa oras na kanilang mapayabong ang pag-aalaga sa mga kambing ay maipagpapatuloy nila ito hanggang sa ito’y kanilang mapadami na siyang nagpapatunay ng katagumpayan ng programa.
No comments