by PIO Lucena/EJ Bagnes October 6, 2021 Kabataan Kontra Drogra at Terorismo o KKDAT Assembly sa Barangay Bocohan. (Photo from PIO Lucena) L...
October 6, 2021
Kabataan Kontra Drogra at Terorismo o KKDAT Assembly sa Barangay Bocohan. (Photo from PIO Lucena) |
LUCENA CITY - Matagumpay ang naging Kabataan Kontra Drogra at Terorismo o KKDAT Assembly sa Barangay Bocohan kamakailan.
Ang naturang programa ay inorganisa ng Lucena PNP sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Romulo ‘Bong’ Albacea katuwang ang KKDAT, Ating Barkada Kontra Drogra (ABKD) at Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni Chairperson Chelsea Jader.
Nakiisa rin dito sina PSSgt. Ana Paral, ABKD Coordinator Aida Dapula, KKDAT Regional President Rolden Garcia at ang KKDAT President ng Lungsod.
Layunin ng nasabing asembliya na isinagawa ay upang pagkaisahin ang mga kabataan sa iba’t-ibang barangay sa Lucena at maging buong bansa.
Gayundin naman ay upang mabigyan ng kaalaman ang mga kabataan bilang mga miyembro ng KKDAT sa lumalaganap na rekutment ng mga kaliwang grupo upang sumanib sa kanilang samahan at kalabanin ang gobyerno.
Bukod pa rito, nagbigay paalala naman ang mga kinauukulan sa mga kabataan dumalo dahil ayon sa datos na ipinakita sa mga ito ang mga kabataan ay may pinakamaraming bilang ng mga nalululong sa iligal na droga kaya naman sa pamamagitan sana ang programang ito ay maging kaisa ang mga kabataan sa kampanya sa pag-was sa ipinagbabawal na gamot.
Samantala, ibinahagi naman ng KKDAT President na si Lhei-Anne Estrada, ang mga napagtagumpayan aktibidad ng KKDAT Bocohan sa ng kanilang barangay gayundin ang mga programa na kanilang nilahukan sa labas ng kanilang komunidad.
Dumalo rin sa aktibidad na ito ang Secreatry ng Barangay Bocohan na si Venus Vito, SK Federation Satff Kenjie Sudo na kumatawan kay Konsehal Patrick Norman Nadera.
Matapos naman ang naging programa ay nagpaabot ng pasasalamat ang mga kabataan mula sa KKDAT, ABKDA at mga SK Scholar ng barangay Bocohan sa mga panauhing pandangal at kanilang ipinapaabot na kaisa sila ang local at nasyunal na pamahalaan sa kampanya ni anti-terorism at anti-illegal drugs.
Taos pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni SK Chairwoman Jader sa lahat ng naglaan ng oras upang makasama sa aktibidad na ito gayundin naman sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ni Kapitan Romulo Lagar sa walang sawang pagbibigay suporta upang mapagtagumpayan ang KKDAT Assembly sa Barangay Bocohan.
No comments