Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pilipinas, putot sa Covid-19 ranking

by Henry Buzar October 6, 2021 Base sa huling Covid-19 resilience ranking ng Bloomberg, kung saan ang nangunguna at pinakaputot na lugar at ...

by Henry Buzar
October 6, 2021




Pilipinas, putot sa Covid-19 ranking




Base sa huling Covid-19 resilience ranking ng Bloomberg, kung saan ang nangunguna at pinakaputot na lugar at katatayuan sa Covid-19 infection, lumalabas na pinakahuli sa buwanang pag-assess ng Bloomberg ang Pilipinas sa 53 na mga bansa na inanalisa.

Ang pagbagsak ng Pilipinas sa pinakahuli at paglampas nito sa Vietnam, Thailand, Malaysia at Indonesia sa Southeast Asia ay ang malaking epekto ng Delta variant sa kabuoang bilang ng dami ng nagpositibo na umabot sa 22,000 na kaso.



Lumalabas na ang kadahilanan ay ang mabagal na pagbakuna na umaabot lamang sa 20% ng bulnerableng populasyon at kakulangan ng suplay ng gamot. Ayon sa Bloomberg, ang Pilipinas ay nahaharap sa isang perpektong bagyo ng pandemya at ito ay nagbibigay-diin sa mas mapanganib na delta variant at ganon din naman sa mabagal na testing at tracing rehimen at panggagambala ng virus sa kanyang ekonomiya at kabuhayan at patuloy na pagragasa ng pandemya.

Lumalabas din na ang pagiging di-aktibo ng mga paliparan na 74% na mababa sa 2019 level at ang pagiging sarado nito sa mga border sa ibang bansa ay iba pang mga basehan ng mababang score ng bansa.



Bilang isang naapektuhan ng Covid-19, na maaring dala ng mga bata sa pagbisita sa kanilang mga lolo at lola, nakita ko ang bagal ng pag-galaw ng pamahalaan at ang kanyang mga tao sa pag-kontrol sa Covid-19. Parang hindi seryosong sakit na maghihintay ka ng matagal bago ka matest at sagutan ang napakaraming katanungan ng mga forms para sa RT-PCR test na kung titingnan mo ay pwede namang simplehan at kunin lamang ang mga nakahalubilo at kanilang mga telepono.

Pagkatapos ng testing maghihintay ka ng 4-5 araw bago malaman ang resulta, at maaring ang taong tinest mo ay magaling na o kaya, patay na. Pagkatapos na maipadala sa health center ang form doon naman magbabasa ang mga contact tracer at pagkatapos ng mga 3-4 na araw at makatatanggap ka ng tawag sa kanila. Mangungumusta at ewan ko kung ano ang gagawin nila kung hindi ka na makapagsalita dahilan sa naghihingalo ka na. Pagkatapos ay tatawagan ang mga nakahalubilo mo at tatanungin kung ano ang kanilang kalagayan. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin nila kung malubha na ang kanilang tinawagan.



Lumalabas din sa pag-aaral ng Bloomberg ang napakahinang healthcare infrastructure at mababang Human Development Index score ng bansa kumpara sa mga katabing mga bansa. Ang pamahalaang nasyonal ay naparalisado ng isang 1991 na batas na ginawang responsable ang mga lokal na pamahalaan pamula sa siudad hanggang sa barangay pagdating sa pamamahala ng kalusugan ng kanilang nasasakupan. Ang kakulangan ng malinaw na batayan ay nagdulot ng paghihintay na lamang ng mga patakaran na nanggagaling sa mga alkalde na nagdedesisyon naman sa desisyon ng lokal na task force. Kung mahina ang ehekutibo mahina din ang responde nito at mga panuntunan laban sa Covid kaya biglang tumataas ang impeksyon.

Kung ang rekomendasyon naman ay dalhin sa hospital, mas malaki ang tyansa na lumala ang sakit mo sa kadahilanang kokonti ang mga personnel at mga paiwas ngunit panay naman ang hingi ng insentibo. Wala ring mga gamit at gamot sa mga hospital kung meron man ay tatagain ka naman sa presyo ng gamot at pagkaka-confine mo. Kung wala kang pera, shoot ka sa lagayan ng abo.

Ang rekomendasyon ng Bloomberg, pataasin ang dami ng mga nababakunahan na sa hanggang sa ngayon naman ay marami pa ring hindi naniniwala kay Covid at ayaw magpapaturok. Ikalawa, paanong mapapadami ang mababakunahan kung kulang naman sa gamot.

Tandaan natin na hindi pa tapos ang pandemya, maari pang tumaas muli ang mga magpopositibo at kung hanggang ngayon ay ganon pa din ang sistema ay mas makabubuti na maghanda na lamang sa kanilang mga bahay-bahay at bumili ng oxyfgen concentrator, mga panlaban sa sipon at ubo katulad ng luya at iba pang mahusay at epektibong mga herbal products, vitamin C ay iba pang vitamins, magpa-araw at mag-ehersiyo, kumain ng prutas at gulay at maging maingat muli sa kadahilanang hindi maasahan ang mga health institutions at mga tao nito kasama na ang mga lokal na pamahalaan na katulad ng langis na tulog-na-tulog at palagi na lang naka-asa sa pondo.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.