by PIO Lucena/EJ Bagnes October 6, 2021 Greenhouse with Hydroponics LUCENA CITY - Inani na kamakailan ang unang produkto na resulta ng proye...
October 6, 2021
Greenhouse with Hydroponics |
LUCENA CITY - Inani na kamakailan ang unang produkto na resulta ng proyektong Greenhouse with Hydroponics na kauna-unahang naisakatuparan sa Lungsod ng Lucena.
Ito ay mula sa inisyatibo ng City Agriculturist Office sa pangunguna ng hepe nito na si Mellissa Letargo sa patnubay ng Pamahalang Panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala.
Ayon sa Agricultural Technologies na si Jai-jai Merano, kailangan umanong maka-adopt ang Lucena sa makabagong teknolohiya ng pagsasaka o pagtatanim kahit pa nga ang Lungsod ay isang Highly Urbanized City.
Inaasahan naman ng tanggapan ng panlungsod na agrikultor na sa pamamagitan nito ay mapapataas ang produksyon ng pagkain na hindi magiging mahirap sa mga magsasaka.
Ipinapaabot naman ni Mayor Dondon Alcala ang kaniyang pagbati sa pagbubukas ng nabanggit na pasilidad, isa lamang aniya ito sa napakaraming agricultural project ng lokal na pamahalaan na tunay na makapagpapayabong sa sector ng agrikultura.
Samantala, ang Greenhouse with Hydroponics ay isang pasilidad para sa modernong urban farming.
Para naman sa mga interesado na magsagawa ng pangangalakal ay matatagpuan ang nasabing greenhouse malapit sa auction market sa bahagi ng Diversion Road sakop ng Barangay Mayao Kanluran.
No comments