by PIAGOVPH4A October 13, 2021 INFANTA, Quezon (PIA) — Pansamantalang inihinto ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang online registration pa...
October 13, 2021
INFANTA, Quezon (PIA) — Pansamantalang inihinto ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang online registration para sa kanilang vaccination program.
Batay sa pabatid ng lokal na pamahalaan, ipinatigil ang vaccine registration sa kanilang bayan upang maisaayos ang bagong sistema ng pagpaparehistro alinsunod sa direktiba ng pamahalaang pambansa.
Matatandaang itinalaga ang DICT Vaccination Administration System (DIVAS) ng Department of Information and Communications Technology (DICT) bilang bagong sistema ng vaccine registration sa bansa.
Kaugnay ng COVID-19 Alert Level System o bagong Community Quarantine Classification mula sa Pamahalaang Nasyonal, ang bayan ng Infanta, Quezon ay kabilang sa mga lugar na sasailalim sa pilot implementation ng ALERT LEVEL 2 simula ngayong araw, Oktubre 20, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.
Maglalabas ng mga panibagong direktiba ang Municipal Task Force ngayong araw. Mangyaring antabayanan ang mga bagong polisiya upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa COVID-19 ng ating bayan. — PB, PIA4A (may ulat mula sa Municipal Govenrment of Infanta)
No comments