Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

2 magsasakang pinaslang sa Sampaloc Quezon, hinatid na sa huling hantungan; martsa-libing, dinaluhan ng 400 kabaryong nananawagan ng hustisya

by Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan November 27, 2021 Ang pag-lilibing sa dalawang magsasaka. SAMPALOC, Quezon - Na-ilibing na ang dalawa...

by Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan
November 27, 2021


2 magsasakang pinaslang sa Sampaloc Quezon, hinatid na sa huling hantungan; martsa-libing, dinaluhan ng 400 kabaryong nananawagan ng hustisya
Ang pag-lilibing sa dalawang magsasaka.



SAMPALOC, Quezon - Na-ilibing na ang dalawang magsasaka na sina Jorge Coro-nacion at Arnold Buri na brutal na pinatay diumano ng 59th Infantry Battalion, Philippine Army noong Nobyembre 17, 2021.

“Lubhang nakalulungkot ngunit nagngangalit ang pamilya at taong baryo sa barangay Taquico, Sampaloc, Quezon sa mahigit 400 kataong naghatid sa kanila sa huling hantungan” pahayag ni Orly Marcellana, Pangrehiyong Tagapag-Ugnay ng Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan.



Pinaslang ng mga sundalo sina Jorge Coronacion at Arnold Buri at pinaratangang mga myembro ng New People’s Army (NPA) na kanilang diumanong naka-engkentro sa isang palitan ng putukan. Subalit mariing pinasisinungalingan ito ng kanilang pamilya at taong baryo na higit nakakakilala sa dalawa.

“Papaanong magiging NPA si Jorge na isa ng senior citizen at may deprensya sa mata (katarata) at si Arnold na ikatlong henera-syon ng tenante ng lupa ni Mayor Devanadera ng Sampaloc, Quezon?” giit ng tagapag-salita.



Umigting ang panawagang “hustisya” mula nang manlumo ang mga mamamayang Sampalukin sa naging tindig ni Mayor Gelo Devanadera, punongbayan ng Sampaloc, na pumaabor sa pahayag ng militar at walang aksyon para imbistigahan at palitawin ang katotohanan sa pangyayari.

“Una, 7:00 ng gabi nasa bahay pa nila si Arnold Buri kabaliktaran sa pahayag ng militar na mahigit 5:00 ng hapon ng sila ay mapatay. Ikalawa, walang nakarinig na putukan sa naturang lugar at walang maipapakitang tama ng bala sa paligid para patunayang may engkwentrong naganap ayon sa pahayag ng mga kapamilya” paliwanag ni Marcellana.



“Sir pasensya na po, bagamat nakumpirma na nga po natin, na sa lupain pala ng aming pamilya nagtatrabaho ang isa sa napatay, wala po akong binanggit na siya ay walang kinalaman sa NPA. Sana po ay malinawan kayo sa mga reports. Kahit sa report ng Inquirer, wala po ako binanggit na hindi sila NPA. Salamat po” ayon ito sa isang komento ni Mayor Devanadera sa post ng Tanggol Magsasaka-Timog Katagalugan page, noong Nobyembre 19, 2021.

“Mayor, ikatlong henerasyon na po ng pagiging tenante si Arnold Buri sa inyong lupain mula pa sa kanyang lolo/mamay. Kundi ninyo kilala si Arnold at hindi ninyo siya kayang ipagtanggol sa mga akusasyon ay dapat din kayong magpaliwanag kung bakit kayo nagkukupkop ng isang NPA?” Dagdag pa ni Marcellana.

Samantala, nagpapasalamat naman ang kapamilya at Tanggol Magsasaka Timog Katagalugan sa ginawang resolusyon #2372 ng Makabayan Bloc sa kongreso sa pangunguna ni Congresswoman Eufemia Cullamat para imbestigahan ng komite ng karapatang pantao ng kongreso ang naganap na pagpatay kina Jorge Coronacion at Arnold Buri. Tumugon din ang Komisyon ng Karapatang Pantao (CHR) Region 4A na magsasagawa sila ng isang independent investigation.

“Kaisa ang Tanggol Magsasaka-Timog Katagalugan sa panawagang Hustisya ng mga kapamiya at kababaryo nila Coronacion at Buri at patuloy na pagkalampag sa tanggapan ni Mayor Gelo Devanadera, Gobernador Danilo Suarez at Congressman Mark Enverga na agad gumawa ng hakbang para sa hustisya sa mga biktima ng pagpatay ng militar. Ngayon sila kailangan ng ating mga kapatid na magsasaka at kababayan na umaksyon at magsalita hindi lamang sa panahon ng eleksyon para manloko sa mga taongbayan at kapag muling nakaupo sa poder ay isang kahoy na hindi nagbibigay ng lilim at nararapat na putulin at ipanggatong” panapos na pananalita ni Orly Marcellana.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.