Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong officer-in-charge ng Lucena PNP ipinakilala sa isinagawang turn-over of command ceremony

by PIO Lucena/Josa Cruzat November 21, 2021 Provincial Director PCol. Joel Villanueva ng Quezon Police Provincial Office at siyang ginanap s...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
November 21, 2021



Bagong officer-in-charge ng Lucena PNP ipinakilala sa isinagawang turn-over of command ceremony
Provincial Director PCol. Joel Villanueva ng Quezon Police Provincial Office at siyang ginanap sa conference room ng QPPO sa Camp General Nakar sa bahagi ng Barangay Gulang-Gulang.




LUCENA CITY - Isang Turn-Over of Command Ceremony ang isinagawa kamakailan para sa pagtanggap sa bagong Officer-in-Charge ng Lucena City Police Station.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Provincial Director PCol. Joel Villanueva ng Quezon Police Provincial Office at siyang ginanap sa conference room ng QPPO sa Camp General Nakar sa bahagi ng Barangay Gulang-Gulang.



Dito ay isinagawa ang turn-over ng command mula sa outgoing Chief of Police ng LCPS na si PLt. Col. Romulo Albacea kay incoming Officer-in-Charge PLt. Col. Reynaldo Reyes.

Malugod na tinanggap naman ng kapulisan si Reynaldo na siyang makakasama ng mga ito sa pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng lungsod ng Lucena.



Inaasahan naman na maipagpapatuloy ni Reynaldo bilang OIC ang maayos na pamamahala sa LCPS at sa iba’t-ibang programa nito katuwang ang buong hanay ng kapulisan ng lungsod.

Sa naturang aktibidad din naman ay ginawaran ng QPPO si Albacea ng plake ng pagkilala bilang tanda ng hindi matatawaran nitong pagserserbisyo sa seguridad ng mga Lucenahin sa nakalipas na mga taon ng pagiging Chief of Police nito.



Nagpasalamat din naman ito sa kaniyang mga naging katuwang sa serbisyo at aniya ay hiling nito ang patuloy na pagyabong ng magagandang adhikain ng Lucena PNP sa buong lungsod lalo’t higit sa mga mamamayan nito.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.