by PIO Lucena/Josa Cruzat November 25, 2021 Mga buntis sa lugar na nasa anim hanggang walong buwan na ng pagdadalang tao na tumanggap ng mga...
November 25, 2021
Mga buntis sa lugar na nasa anim hanggang walong buwan na ng pagdadalang tao na tumanggap ng mga naturang kit. |
LUCENA CITY - Mahigit sa isandaan at dalawampung nagdadalang tao mula sa Barangay Ibabang Dupay ang nabahaginan ng ‘Buntis Kit’ kamakailan.
Ang naturang aktibidad ay sa inisyatibo ng komitiba ni Kagawad William Labay na siyang binigyang suporta ni Kapitan Jacinto ‘Boy’ Jaca at ng buong Pamahalaang Pambarangay upang maging posible ang pagsasakatuparan nito.
Sa isinagawang distribusyon para sa unang batch ng mga buntis sa lugar na nasa anim hanggang walong buwan na ng pagdadalang tao, tinanggap ng mga ito ang naturang kit na naglalaman ng pangunahing pangangailangan ng mga benepisyaryo na tiyak na makatutulong na maibsan kahit kaunti ang gastusin sa kanilang panganganak.
Pinangunahan ng mga opisyales ng barangay ang distribusyon katuwang ang Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairperson Rolden Garcia.
Pinahayag naman ng opisyal sa isinagawang programa na pangarap ng barangay na maipagpatuloy ang proyekto upang sa ganitong pamamaraan ay maipadama sa bawat sektor na walang maiiwan at patuloy aniya ang pag-iisip ng mga programa para sa kapakanan ng mamamayan ng kanilang nasasakupan.
Siniguro pa nito na inaayos na ang isasagawa ring distribusyon ng tulong para sa ikalawang batch na nasa tatlo hanggang limang buwan ng nagdadalang tao.
At bago tuluyang maipamahagi ang mga kit ay binigyang pahayag pa ng opisyal na ang naturang tulong ay pagkilala para sa mga inang ilaw ng tahanan gayundin ay binigying diin din nito na mahalaga pa rin ang handa at may sapat na plano sa pagpapamilya.
No comments