by PIO Lucena/Josa Cruzat November 25, 2021 Lucena PNP LUCENA CITY - Upang mas mapaigting ang kahandaan ng kwerpo ng kapulisan ng Lungsod sa...
November 25, 2021
Lucena PNP |
LUCENA CITY - Upang mas mapaigting ang kahandaan ng kwerpo ng kapulisan ng Lungsod sa posibilidad ng kalamidad kagaya ng lindol, nakiisa ang mga ito sa isinagawang virtual 4th quarter national simultaneous earthquake drill para sa taong kasalukuyan.
Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Reynaldo Reyes, officer-in-charge ng Lucena PNP, nakiisa ang bawat kapulisan sa lungsod sa naturang virtual activity.
Dito ay tinalakay ang mga hakbangin at kaalaman na kinakailangang maitanim sa isipan ng mga indibidwal lalo’t higit ng kapulisan upang makapagsagawa ng rescue operation sa oras na magkaroon ng paglindol.
Matapos ang mga naturang pagtalakay ay sabay namang isinagawa ng mga nagsipaglahok ang duck, cover, and hold drill exercise sa mismong Lucena City Police Station na siyang magbibigay proteksyon sa mga ito sa oras ng lindol.
Mula sa isinigawang aktibidad mahalagang matutunan ng kapulisan ang importansya ng pagiging alerto sa ganitong pagkakataon upang masiguro ang kaligtasan ng mga tauhan nito ng sa gayon ay masiguro ang pagresponde ng kapulisan sa mga mamamayang nasasakupan ng lungsod sa oras ng lindol.
Ang pakikiisa na ito ng kwerpo ng kapulisan ng Lungsod sa naturang earthquake drill ay upang magbigay ensayo sa mga ito hinggil sa disaster preparedness ng himpilan upang matiyak na palagiang maging handa ang mga ito sa pagresponde sa anumang darating na sakuna.
No comments