by Nimfa Estrellado & Dong de los Reyes November 21, 2021 Dr. Fernando Martinez (Photo from his FB Page) LOPEZ, Quezon - Bihasa na si D...
November 21, 2021
Dr. Fernando Martinez (Photo from his FB Page) |
LOPEZ, Quezon - Bihasa na si Dr. Fernando Martinez na sumagupa sa mga higante at dambuhala ng industriya-- timon at tagapamahala siya ng isa sa mga independent oil players ng bansa, karibal ng mga higanteng Shell, Caltex (Chevron), at Petron na nagtutustos ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Pansinin na nangunguna pa rin ang Petron na may hawak ng 18.6% sa bentahan ng mga produktong petrolyo, 15.5% ang kabig ng Shell, at 4.86% sa Caltex (Chevron). Nakopo na ng mga small independent oil players ang 52.59% ng bentahan-- at kabilang sa mga ito ang Eastern Petroleum na si Dr. Martinez ang chairman at chief executive officer.
Matatandaan na kamailan ay nais paharapin ng Kamara si Ramon Ang, pinuno ng Petron, upang busisiin ang malikot na galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa-- na ikinababahala ng sektor ng transportasyon at mga konsumer ng refined fuels.
Hindi pinansin ni Ang ang panawagan, nagmatigas na hindi siya sisipot, at nagpahiwatig na handa siyang ipagbili muli sa gobyerno ang Petron.
Hindi na lulutang pa ang ganitong iringan kung isa sa mahigit 200 kinatawan sa Kamara si Dr. Martinez-- malilinaw niya sa mga konggresista at pati na sa taumbayan na wala sa kamay ng mga oil companies ang galaw ng presyo ng langis. Bukod dito ang sapin-saping buwis na ipinataw ng gobyerno sa mga produktong petrolyo ang talagang nagpapataas ng presyo. At ang totoo, mas malaki ang kinakabig ng gobyerno mula sa mga buwis sa krudo kaysa sa napupunta sa mga kompanya ng langis at gasolinahan.
Iba na ang may alam at maalam, tulad ni Martinez na sa kauna-unahang pagkakataon ay kumakandidato bilang kinatawan ng 4th district ng Quezon-- ganoong kaalaman at kakayahan ang kailangan sa Kamara, para lalong matugunan ang mga pangangailangan ng taumbayan.
Nang hirangin siya sa Food Terminal Inc. (FTI), winakasan ni Martinez ang may 25 taong pagkalugi nito sa unang taon pa lang ng kanyang panunungkulan mula pagiging General Manager at administrator sa ilalim ni dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagbigay papuri sa kanya sa Malacañang Palace.
Bukod-tanging anak ng Lopez, Quezon
Matinding influencer si Martinez-- respetado kasi at bihasa sa iba't ibang larangan ng industriya sa bansa sa kanyang pagiging matagal na kasapi ng Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), at European Business Council. Kinikilala, iginagalang sa kanyang pagtatatag at pagiging pangulo ng Independent Philippine Petroleum Companies Assn. at pamumuno sa Corporate Planners Society of the Philippines.
Influencer na lumikha ng mahigit 10,000 trabaho sa mga industrial parks sa Calabarzon!
Malayo ang narating at malawak na larangan ang kanyang kinilusan, pero nakayapak pa rin siya sa kanyang lupang sinilangan-- sa Lopez, Quezon at produkto siya ng Lopez Central Elementary School.
Kung ibabatay sa kanyang mga sikap at sipag na nagbunga ng kabuluhan at kapakinabangan para sa taumbayan, tahasang may natatanging kakayahan si Martinez upang magsulong pa ng maraming gawain para sa bayan.
Ngayon pa lang, naglalatag na siya ng blueprint for industrial development para sa 4th district-- nagawa na kasi ng kanyang kompanyang J & M Properties Construction Corp. sa Cabeza de Buenavista, Agusan Norte sa Mindanao. At ang naturang kompanya ang naglatag ng Laguna International Industrial Park (LIIP) sa Mamplasan, Binan, Laguna.
Isusulong ang pagsulong
Matayog ang ambisyon ni Martinez para sa 4th district at Pilipinas-- makalikha ng higit sa isang milyong trabaho sa buong bansa para sa taumbayan sa pamamagitan ng paglalatag ng industrial estate. Nagawa na niya kasi ang ganoon, bumuo ng industrial estates sa Luzon at Mindanao na lumikha ng trabaho para sa maraming Pilipino. Nais lang niya na ulitin ang ganoong ginawa.
Pitong haligi ng pag-unlad ang nais niyang ipatupad para sa kanyang distrito na tutugon sa pangangailangan sa:
1. Infrastructure and utilities-- sapat na supply tubig, kalsada, at wastong sanitation;
2. Enerhiya-- tamang supply at makatwirang presyo ng kuryente upang mahikayat ang mga investor na magtungo sa mga bayan;
3. Pabahay-- walang dapat maging iskwater sa sariling bayan;
4. Sapat na pagkain, maunlad na agrikultura at sakahan-- pagpaparami ng alagang livestock, baboy, manok, atbp. na hindi na kailangang angkatin sa ibang bansa, pati pagproseso ng mga homemade products, pagpaparami ng mga gulay at pananim na mataas ang commercial value;
5. Edukasyon at pagpapaunlad ng kabataan-- libreng edukasyon hanggang kolehiyo at masinop na pagpapasulong ng technical-vocational education;
6. Commercial and industrial estate development; at
7. Serbisyong pangkalusugan at panlipunan. Itaguyod ang universal health care na magbibigay ng libreng programang pangkalusugan at ayuda, lalo na sa mga maralita, senior citizens, at PWD.
Ambisyoso si Martinez, pero natupad niya ang ambisyon para sa sarili-- nahigitan pa nga. Para sa taumbayan ang mga ambisyon niya ngayon.
No comments