Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga Centenarian sa lungsod, ginawaran ng parangal ng lokal na pamahalaan

by PIO Lucena/Josa Cruzat November 19, 2021 Incumbent Mayor Dondon Alcala kasama si Kuya Mark Alcala, at ng ilan sa mga centenarian awardees...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
November 19, 2021


Mga Centenarian sa lungsod, ginawaran ng parangal ng lokal na pamahalaan
Incumbent Mayor Dondon Alcala kasama si Kuya Mark Alcala, at ng ilan sa mga centenarian awardees. (Photo from 




LUCENA CITY - Tumanggap ang nasa sampung Centenarian sa lungsod ng Gawad Parangal mula sa lokal na pamahalaan sa isinagawang Awarding Ceremonies para sa Selebrasyon ng Linggo ng Lucena 2021 at ng ika-animnapung taong inagurasyon ng pagkakatatag ng lungsod ng Lucena.

Iginawad mismo ni Mayor Roderick ‘Dondon’ Alcala ang naturang parangal sa mga ito na siyang mga maituturing nitong yaman ng kasaysayan at kultura ng lungsod.



Ang sampung indibidwal na ito aniya ay nagdadala ng tunay na marka ng pagiging Lucenahin dahil sa nasaksihan ng mga ito sa loob ng isandaang taon ang mga pagbabagong natamo ng lungsod ng Lucena.

Binigyang diin pa ng alkalde na ang mga ito ang patunay na walang hindi mararating anumang krisis at panahon sa tulong ng pagkakaisa ng lahat patungo sa maunlad na pamumuhay.



Malugod na ipinagkaloob ni Incumbent Mayor Dondon Alcala kasama si Kuya Mark Alcala, City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr., at ng mga konsehal ang naturang gawad parangal sa ilang mga centenarian awardees na dumalo sa aktibidad gayundin sa mga kamag-anak ng iba pang mga pinarangalan.

Ang paggawad na ito sa mga sentenaryo sa lungsod ay isa lamang sa mga parangal para sa pagdiriwang ng Linggo ng Lungsod ng Lucena para sa taon na ito kasama ang paggawad sa mga awardees ng Top Business Taxpayers, Natatanging Lucenahin, at Pandemic Frontliners at Volunteers.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.