by Ruel Orinday November 25, 2021 Provincial Agriculture Office UNISAN, Quezon — Mayroong 50 mga baka, 20 kalabaw, agricultural inputs at ...
November 25, 2021
Provincial Agriculture Office |
UNISAN, Quezon — Mayroong 50 mga baka, 20 kalabaw, agricultural inputs at farm machineries ang ipinamahagi ng pamahalaang panlalawigan kamakailan sa iba’t ibang samahan ng mga magsasaka sa ikatlong ditsrito ng lalawigan ng Quezon kasama na ang bayan ng Unisan.
Ayon sa Quezon Public Information Office, naisakatuparan ito sa pamamagitan ni Third District Aleta C. Suarez at pakikipagtulungan ng Provincial Agriculture Office at Department of Agriculture (DA) Region IV-A.
Inaasahan na ang mga naipamahaging mga kagamitang pang-agrikultura ay makatutulong ng malaki sa mga magsasaka para mas mapaganda at mapalago ang kanilang ani gayundin para mas mapadali ang gawain sa sakahan.
Sa mensahe ni DA IV-A Regional Executive Director Vilma Dimaculangan ay inihayag niya ang kahalagahan ng pagpaparehistro sa tinatawag na Registry System of Basic Sector in Agriculture upang patuloy na matanggap ang tamang suporta ang mga magsasaka mula sa kagawaran ng pagsasaka.
Hanggang sa ngayon ay hindi tumitigil ang pamahalaang panlalawigan sa pagbababa ng mga programa para sa sektor ng agrikultura sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bawat magsasakang Quezonian dulot ng Covid-19.
Idinaos ang aktibidad sa Barangay Caigdal, Livestock and Plant Nursery sa bayan ng Unisan na dinaluhan din nina Senior Board Member Jet Suarez, Regional Technical Director for Operations DA –IVA Engr. Abelardo Bragas, General Luna Mayor Matt Erwin Florido, Agdangan Mayor Rhadam Aguilar, Acting Provincial Agriculturist Ma. Leonelle G. Dimalaluan, Former PCSO Director Betty Nantes at dating Board Member Dominic Reyes.
No comments