by PIO Lucena/Josa Cruzat November 19, 2021 LUCENA CITY - Matagumpay na ipinagdiwang sa loob ng Lucena City District Jail Female at Male Dor...
November 19, 2021
LUCENA CITY - Matagumpay na ipinagdiwang sa loob ng Lucena City District Jail Female at Male Dormitory ang selebrasyon para sa National Correctional Consciousness Week ngayong taon.
Kaugnay nito ay iba’t-ibang aktibidad ang inilatag ng dalawang dormitory para sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL na nasa kanilang pangangalag.
Sa female dormitory ay naglunsad ang pamunuan nito sa atas ni Jail Warden JSINSP Fernita Endrenal ng gift giving activities para sa mga senior citizen, PWD, at underweight na PDL na siyang mga naging benepisyaryo rin ng isinagawang feeding program.
Ilang mga gawain din ang isinakatuparan upang mabigyang pagsasanay ang mga kababaihang PDL sa aspeto ng pisikal at mental na kalusugan sa pamamagitan ng Palarong Lahi at Poster-Slogan Making Contest.
Habang sumailalim din ang mga ito sa isang Virtual Spiritual Lecture.
Sa male dormitory naman ay iba’t-ibang palaro ang inihandog ng pamunuan nito sa ilalim ng pangangasiwa ni Jail Warden JSINSP Hansel Kiwang.
Ilan sa mga ito ay ang indoor games na kinabibilangan ng scrabble, chess, dama, at perdigana; habang nagkaroon din naman ng mga traditional games.
Sa mga kasunod na araw ng naturang pagdiriwang ay sumailalim ang mga kalalakihang PDL sa E-Dalaw, tumanggap ng mga donasyon mula sa mabubuting sponsors, at nakiisa sa isinagawang motivational talk.
Pahayag ng pamunuan ng dalawang dormitoryo hinggil sa pagsasakatuparan ng selebasyon ng Nacocow na sa pamamagitan nito ay napagsisikapang maihatid sa mga PDL na nasa kanilang pangangalaga ang mensahe ng pag-asa.
No comments