by PIO Lucena/Josa Cruzat November 21, 2021 Lucena Old Public Cemetery (Photo by Ronnie Luistro Tolentino) LUCENA CITY - Binigyang linaw ng...
November 21, 2021
Lucena Old Public Cemetery (Photo by Ronnie Luistro Tolentino) |
LUCENA CITY - Binigyang linaw ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pamamagitan nina City General Services Office Head Alyssa Mijares at City Planning and Development Office Head Juliet Aparicio ang proseso ng pagtatala ng pangalan ng mga yumaong mahal sa buhay sa Lucena Old Public Cemetery kaugnay sa pagsasagawa ng rehabilitasyon ng naturang lugar.
Sa programang Pag-usapan Natin ni Arnel Avila kamakailan ay ipinaliwanag ni Mijares na kinakailangang tumungo ang mga kamag-anak ng yumao sa information booth sa tapat mismo ng sementeryo at humingi ng numero upang makapag-patala sa logbook.
Upang maisakatuparan kasi ang rehabilitasyon ng naturang sementeryo na isa sa proyekto ngayon ng Pamahalaang Panlungsod na naglalayong maiayos ang himlayan ng mga Lucenahing nakahimlay sa lugar, isa sa mga kinakailangan na unang hakbang ay ang pagpapalista bilang bahagi ng koordinasyong ginagawa ng lokal na pamahalaan upang makausap ang kanilang mga kamag-anak.
Dito ay mayroong pagkakataong makapili ang kamag-anak ng mga ito kung sila ay isasama sa rehabilitasyon sa pamamagitan ng consent form o kanilang kukunin ang kanilang yumaong mahal sa buhay sa pahintulot ng exhumation permit.
Sa magkasamang pwersa ng CGSO at CPDO ay pinagtutulung-tulungan ng mga ito na maging maayos ang daloy ng isinasagawang pagtatala upang maiwasang dumami ang mga tao sa harap ng nabanggit na sementeryo.
Limitado lamang sa dalawandaang bilang sa isang araw ang maiaaccomodate ng information booth.
Hanggang ika-25 naman ng Nobyembre ang serbisyo ng information booth para sa pag-tatala pero tiniyak naman ni CPDO Head Juliet Aparicio na maaari naman itong ma-extend ng sampu hanggang labing-limang araw sakaling hindi kakayanin ang listing sa nakatakdang panahon.
No comments