by PIO Lucena/Josa Cruzat November 11, 2021 LUCENA CITY - Isa sa binibigyang prayoridad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam ang...
November 11, 2021
LUCENA CITY - Isa sa binibigyang prayoridad ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Ilayang Iyam ang mga programang magbibigay ng kaayusan sa aspeto ng kalusugan sa kanilang lugar.
Kaya naman sa ilalim ng pangangasiwa ni SK Chairperson Arnie Rosales ay patuloy na ipinayayabong ng konseho ang kanilang programang pangkalusugan.
Kaugnay nito, kamakailan ay nagkaloob ng mga kagamitan ang SK sa dalawang health center sa kanilang barangay.
Ang naturang mga kagamitan na ito ay kinabibilangan ng mga bagong uniporme para sa Barangay Health Alliance; ibat’-ibang uri ng vitamins para sa mga sanggol, bata, at matatanda; face masks; thermal scanner; at iba pang mga maaaring magamit sa center.
Bukod pa sa mga ito ay nagbigay din ang konseho ng first aid kit sa nabanggit na mga lugar sa kagustuhan na palagiang maging handa ang mga ito sa paglalapat ng mga paunang lunas.
Dahil sa mga handog na ito kaya naman lubos na pasasalamat ang ipinaabot ng dalawang health center sa Sangguniang Kabataan sa palagiang pagbibigay suporta ng konseho sa mga programang pangkalusugan.
Anila, malaki ang maitutulong nga mga naturang kagamitan sa paggampan ng kanilang serbisyo para sa mga mamamayan ng Ilayang Iyam.
Labis na pasasalamat din naman ang ipinaabot ng SK sa suportang ipinahayon ng Pamahalaang Pambarangay sa pangunguna ni Kapitan Bartolome Comia gayundin sa chairman ng komite ng pangkalusugan na si Kagawad Tess Asensi.
Ang pagkakaloob ng mga kagamitan na ito ng SK ay isa lamang sa kanilang mga programa sa barangay na naglalayong mapaunlad ang mga mamamayan sa kanilang lugar sa aspeto ng pangkalusugan.
No comments