Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

City Anti-Drug Abuse Council, buo ang suporta sa 'Tulong Hanapbuhay Mula sa Barangay' program

by PIO Lucena/Josa Cruzat December 8, 2021 Punong Barangay Roderick Macinas (Photo from  Sangguniang Barangay Dalahican ) LUCENA CITY- Dumal...

by PIO Lucena/Josa Cruzat
December 8, 2021



City Anti-Drug Abuse Council, buo ang suporta sa 'Tulong Hanapbuhay Mula sa Barangay' program
Punong Barangay Roderick Macinas (Photo from Sangguniang Barangay Dalahican)



LUCENA CITY- Dumalo si Lucena City Anti-Drug Abuse Council Operations Head Francia Malabanan sa isinagawang oryentasyon ng programang 'Tulong Hanapbuhay Mula sa Barangay' ng Barangay Dalahican kamakailan.

Ito ay upang magpaabot ng taos sa pusong suporta sa naturang programa na siyang inisyatibo ni Punong Barangay Roderick Macinas at ng Barangay Anti-Drug Abuse Council na siyang naglalayon na umagapay sa mga Persons Who Used Drugs o PWUDs sa kanilang lugar sa pamamagitan ng dagdag na pagkakakitaan.



Ang agapay na ito kasi ay isang cash for work program kung saan ay magwawalis at maglilinis ang dalawampung piling mga Dalahicanin ng dalawang oras sa loob ng sampung araw kapalit ng angkop na karagdagang kita.

Sa isinagawang oryentasyon ay nagbigay pananalita si Malabanan kung saan ay binigyang diin nito na tunay na malaking tulong ang naturang programa na ito ng barangay para sa pangaraw-araw na pangangailangan ng mga PWUDs at ng pamilya ng mga ito.



Nag-iwan din ang hepe ng CADAC ng makabuluhang mensahe ng inspirasyon para sa mga benepisyaryo na ipagpatuloy ng mga ito ang kanilang magandang gawain tungo sa maayos na pamumuhay.

Samantala tumanggap din naman ang mga benepisyaryong PWUDs ng mga kagamitang panlinis na kanilang magagamit sa pagtahak sa mga kalsada ng barangay na kanilang lilinisin.



Gayundin ay pinagkalooban ang mga ito ng dalawang kilong bigas bawat isa bilang ayuda at magbigay lakas sa kanilang paggampan sa ilalim ng naturang programa.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.