by PIO Lucena/K.Monfero December 8, 2021 Libingang Bayan ng Bagong Lucena (Perspective) Ronnie Luistro Tolentino LUCENA CITY - Bilang paglil...
December 8, 2021
Libingang Bayan ng Bagong Lucena (Perspective) Ronnie Luistro Tolentino |
LUCENA CITY - Bilang paglilinaw sa ilang mga katanungan ng mga mamamayang lucenahin hinggil sa rehabilitasyon ng Lucena Old Public Cemetery, nagbigay ng pahayag kamakailan sina City General Services Office Head Alyssa Mijares at City Planning and Development Head Juliet Aparicio sa programang pag-usapan natin ni Arnel Avila kamakailan.
Isa na nga sa naging usapin ay kung paano aniya ang gagawing pagpepreserba ng mga museleo na maituturing na parte ng kasaysayan ng lungsod.
Sa naging panayam kay Aparicio, sinabi nito na upang mapreserba ang pagiging antigo ng mga museleo ay hindi ito gagalawin at bagkus ay ire-renovate ito upang muling makita ang ganda ng nasabing pasilidad
Dagdag pa ng opisyaal ang mga museleo ay bahagi na ng tinatawag na cultural properties kung kaya nararapat na ito ay ipreserba.
Kinakailangan rin aniya ng pakikipag-ugnayan sa pamilya ng may-ari ng mga nasabing museleo bago pa man ito galawin ng lokal na pamahalaan.
Samantala, para naman sa mga may kaanak na nakahimlay sa mga puntod sa nasabing sementeryo ay patuloy naman ang isinasagawang paglilista ng mga pangalan ng nakahimlay dito.
Maari aniyang makipag-ugnayan ang mga ito sa mga booth na nasa harapan ng nasabing sementeryo para sa kaukulang impormasyon ukol dito.
Ang isasagawang rehabilitasyon ng Lucena Old Public Cemetery ay upang maiayos ang naturang himlayan at mapreserba ang mga maituturing na parte ng kasaysayan ng Lungsod Ng Lucena.
No comments