by Dong de los Reyes December 16, 2021 Marcelo Olivia (Photo from his Facebook) LUCENA CITY - Nagkamit ng P20,000 at mga kagamitan sa paghah...
December 16, 2021
Marcelo Olivia (Photo from his Facebook) |
LUCENA CITY - Nagkamit ng P20,000 at mga kagamitan sa paghahalaman si Marcelo Olivia sa kanyang lahok sa open space category o pagtatanim sa mga bakanteng lote ng Lucena City.
Hindi naiulat ni Olivia ang mga tinanggap na premyo ng iba pang nagwagi sa "Project Urban Tanim, Tayo ang Kalikasan, Masaganang Ani Para sa Mamamayan" ng Provincial Environment & Natural Resources, Quezon Province provincial agriculturist at Lucena city agriculturist at mga lokal na homeowners assocition-- o ang Federation of Lucena Homeowners Association.
Ikatatlo na gantimpala ang nakamit ni Olivia. Tiyak na mas matindi ang gantimpala sa una, ikalawa't ikatlong nanalo.
Layunin ng proyekto na mabawasan ang problema sa basura na patuloy na tumataas ang bulto habang tumatagal ang panahon sa pagdami ng tao; layunin din ang pagtatanim sa urban area kagaya ng Lucena, may maliit man malaking espasyo, ayon kay Olivia.
Isinusulong ng proyekto na bawat tahanan ay magkaroon ng sariling organic na gulay, pagkain, masaganang ani, at makatipid sa budget ang pamilya; sa pagtatanim kasama sa criteria ang paggamit ng mga recycled materials kagaya ng lumang, gulong, bote, plastic at pa, dagdag ni Olivia.
Iniulat niya na mula sa 70 finalists ng proyekto, narito ang nakakuha ng 1st place sa bawat kategorya:
Federation of Lucena Homeowners Association (FLHAI):
• Open Space Category - Calmar Homes HOA
• Backyard Category - Germiniano Dañez
• Frontyard Category - Ben Del Mundo
• Pocket Category - Nestor Pajarit
Dangal at Sigla ng Sambayanan ng Lungsod ng Lucena City Homeowners Federation (DASSAL):
• Open Space Category - Villa Bagong Pag-asa HOA Inc.
• Backyard/Frontyard Category - Joebelyn Paredes
• Window Category - Rowena M. Gertez
Sinabi ni Olivia na "mula sa patuloy sa pagnanais ng mga kalahok katuwang ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Agriculture (DA), ALONA Partylist, Office of the Congressman David Suarez at Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pagsulong at pagkakaroon ng 'solid waste management' at 'food security' sa ating lalawigan."
No comments